top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Horoscope | Hulyo 19, 2022 (Martes)

BULGAR
Jul 19, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Hulyo 19, 2022


Sa may kaarawan ngayong Hulyo 19, 2022 (Martes): Marami kang dapat ipagpasalamat sa langit dahil ang mga biyaya at suwerteng para sa iyo ay hindi mo gaanong pinaghirapan.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Muli, kung saan ka masaya, roon ka at kung saan ka madadalian ay ganundin. Ang totoo nga, ang talagang gusto ng langit ay sumaya ka at hindi ka na mahirapan pa. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-10-19-24-28-33.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi nakakalimot sa iyo ang langit. Palagi ka Niyang naaalala. Ang totoo nga, papadalhan ka ng ilang malalaking suwerte para patunayan sa iyo na ikaw ay sobrang mahalaga sa nasa itaas. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-19-26-39-40-41-43.


GEMINI (May 21-June 20) - Alisin mo ang pagdududa dahil ang mga ito ang sagabal sa mabilis mong pag-asenso. Mas magandang maging postibo at punumpuno ka ng sigla. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-11-17-26-35-36.

CANCER (June 21-July 22) - Maraming aral sa buhay ang nakukuha ng tao kapag dumarating ang bagyo. Ganundin dapat ang mangyari sa iyo kapag ikaw ay nakakaranas ng unos ng kapalaran— kailangang marami kang aral na matutunan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-18-21-28-30-32.


LEO (July 23-Aug. 22) - Ipinapaalala sa iyo na ang mga suwerteng kaloob ng langit ay hindi dapat sinasayang. Bagkus, ito ay dapat mong ingatan at pahalaghan. Kaya sikapin mong makontrol ang iyong sobrang kabaitan at pagiging palabigay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-18-20-25-38-41.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Umiwas ka kapag hindi mo kaya. Huwag mong pairalin ang lakas ng loob na wala naman sa lugar. Hindi ka rin dapat magpatangay sa bugso ng iyong damdamin. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-19-22-26-31-35.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ingatan mo ang nagpaganda ng buhay mo. Ingatan mo rin ang mga katangian na nagdala sa iyo sa magandang buhay. Huwag mong hayaan na ang mga ito ay mawala sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-13-15-25-30-39.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong ituloy ang iyong plano na alam mong hindi pa tugma sa panahon. Hindi kahinaan para sa iyo ang inaatras ang mga gusto mong gawin. Ito ay mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-4-16-20-23-24-30.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Maghanda ka dahil ang magagandang pagkakataon ay nasasayang sa mga taong hindi handa. Bilang paunang hakbang, itakwil mo ang hindi magagandang gawi. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-16-17-24-37-41.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ito ang araw na bubuksan ng langit ang bintana para sa iyong mga kahilingan. Humiling ka at tiyak na ito ay isa-isang matutupad sa susunod na mga araw. Muli, humiling ka. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-14-16-23-25-38.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kung ano ang gusto mong gawin, gawin mo. Ito ang sikreto ng masayang buhay at ang isa pang sikreto ay nagsasabing, ang walang kalayaan ay pananahanan ng kalungkutan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-19-20-25-39-42.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Muli, lumayo ka sa mga reklamador at sa mga walang nakikita kundi ang kapintasan ng iba. Ayaw na ayaw ng langit sa kanila, kaya huwag mo silang tularan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-11-18-26-33-31.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page