Horoscope | Hulyo 17, 2024 (Miyerkules)
- BULGAR
- Jul 17, 2024
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | July 17, 2024

Sa may kaarawan ngayong Hulyo 17, 2024 (Miyerkules): Isinilang ka para maging isang huwaran sa pagsisikap at maging ehemplo sa mga tao para ‘di sumuko.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Tibay ng loob ang ipapakita mo ngayon. Patuloy kang makipaglaban sa mga pagsubok na nasa iyong harapan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-10-26-30-35-44.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Manindigan ka! Lalo na sa mga taong pinaglalaban ang kanilang maling desisyon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-17-23-27-30-45.
GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang tumingin sa dilim, ang pagmasdan mo ngayon ay ang liwanag, dahil ito ang gagabay sa iyo kung paano mo mas mapapaganda ang buhay mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-14-24-34-39-43.
CANCER (June 21-July 22) – Huwag kang gumalaw kapag hindi mo alam kung ano ang lagay ng iyong kapaligiran. Dahil minsan may pagkakataon sa buhay ng tao na mas magandang ‘di na lang kumilos. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-11-21-25-31-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kung alam mong madidisgrasya ka, ‘wag ka nang makipagsapalaran pa. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-3-15-18-27-38-45.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Maghanda ka sa paparating na suwerte. Maraming tao ang nag-aaksaya lang ng mga biyaya. Dapat, mabuhay ka sa tamang pag-uugali at gawi, ‘wag mong sayangin ang iyong suwerte. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-17-21-26-33-38.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Tumulong ka sa mga higit na nangangailangan. Ngayon ang panahon ng pagtulong at pagpapakita ng pagmamahal sa kapwa. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-10-16-23-30-35.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Gumaganda ang araw pagkatapos ng bagyo. Gayundin sa buhay ng bawat tao, gumaganda rin ito, pagkatapos ng matinding pagsubok. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-14-26-29-37-44.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Lumayo ka sa mga taong sinasamantala ang hindi magandang kalagayan ng kapwa. Maghihiganti ang karma at ito ay kanilang mararanasan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-18-21-28-31-38.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ngayon mo kailangan lumaban sa hamon ng kapalaran. Huwag mo nang hintayin pa ang ibang panahon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-15-27-30-33-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ito ang araw na inilaan sa iyo, kung hahabaan mo ang pasensya sa mga ahensya ng pamahalaan. Marami kang suwerteng makukuha. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-13-29-34-38-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kahit ikaw ang may pangangailangan, hindi mo pa rin mapipigilan na magbigay ng tulong sa iyong kapwa. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-19-27-36-38-40-45.
Kommentare