Horoscope | Hulyo 15, 2022 (Biyernes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Hulyo 15, 2022
Sa may kaarawan ngayong Hulyo 15, 2022 (Biyernes): Kung ano ang maganda para sa iyo, ‘yun ang gustuhin mo. Tandaan mo lamang na ikaw ang dapat magpasya kung ano ang maganda para sa iyo at hindi ang ibang tao.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kaluwagan ang hatid sa iyo ng araw na ito. Puwede mo nang gawin ang mga bagay na nahirapan kang simulan sa nakaraan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-19-20-24-39-44.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Panatilihin mo ang magandang pananaw mo sa buhay. Hindi maganda na maaapektuhan ka ng mga pangit na kaganapan sa iyong paligid. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-17-28-30-35-45.
GEMINI (May 21-June 20) - Para mapadali ang mga gawain, humingi ka ng tulong sa mga malapit sa iyo. Huwag mong pahirapan ang iyong sarili para masabi na kaya mo ang mahirap na proyekto. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-18-28-30-35-41.
CANCER (June 21-July 22) - Lakas lang ng loob ang kailangan mo para masimulan ang gusto mong proyekto na magpapaunlad ng iyong buhay. Kaya dapat ay ngayon na at hindi sa iba pang panahon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-16-25-39-40-43.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kung may hinahanap ka, ngayon mo na pagsikapang hanapin. Maganda ang panahon ngayon, lalo na para sa paghahanap ng tunay at wagas na pagmamahal. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-18-20-23-30-36.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ilantad mo ang hawak mong barahang alas. Hindi ka dapat matulad sa iba na ang mamahalin at magagandang alahas ay palaging nakatago. Ito ang paalala ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-17-21-24-38-46.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mag-ipon at mag-imbak ka habang may panahon pa. Ito ang ibig sabihin ng payo na dapat ay pinaghahandaan ang kinabukasan. Ito ang sikreto ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-19-22-23-39-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Maghanda ka. Ang panahon ngayon ay panahon ng kawalan ng katiyakan. Pero sa taong naghahanda at patuloy na naghahanda, ang panahon ng kawalang katiyakan ay tiyak niyang malalagpasan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-15-29-30-33-36.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Bumaba ka, hindi maganda na ikaw ay sobrang mataas. Ang pagbaba mo ay para makisalamuha sa mga pangkaraniwang nilalang. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-14-29-30-33-37.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Gaganda pa ang takbo ng kapalaran mo, basta ‘wag kang makuntento. Ang payo na makuntento ay walang saysay habang ang tao ay buhay dahil kung makukuntento ka, paano ka uunlad? Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-17-20-21-25-34.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kung ano ang nasabi mo, huwag mong baguhin. Mahalaga sa tao na may palabra de-honor. Nasisira ang imahe ng taong hindi tumutupad sa kanyang sinasabi. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-15-20-21-25-26-32.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kumuha ka ng aral sa buhay mula sa mga taong nabigo dahil sa katigasan ng ulo. Kumuha ka rin ng aral sa mga taong nagtagumpay dahil sumunod sa mga patakaran. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-7-18-20-24-25-39.




Comments