Horoscope | Hulyo 13, 2026 (Lunes)
- BULGAR

- 1 day ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | July 13, 2026

Sa may kaarawan ngayong Hulyo 13, 2026 (Lunes): Masuwerte ka ngayon. Kaya tiyak na uunlad ang buhay mo. Gayunman, iwasan mong makialam sa buhay ng iba.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Pasayahin mo ang kapwa mo para pasayahin ka ng langit. Ito ang sikreto ng kapalaran mo, kung saan maaaring dumagsa sa buhay mo ang magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-12-19-24-38-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Lumabas ka ng bahay. Ito ang sikreto ng kapalaran mo upang matanggal ang mga negatibong puwersang sumasaiyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-10-15-16-23-32.
GEMINI (May 21-June 20) - Dadapo sa iyo ang mga suwerte kapag natagpuan kang tahimik at hindi abala. Noon pa gustong dumapo sa iyo ang mga suwerte, kaya lang ay sobra kang aktibo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-11-18-21-28-34.
CANCER (June 21-July 22) - Magsisimula nang mawala ang mga hindi magagandang pangyayari. Ipinahihiwatig din nito na ang mga bagong kapalaran ay guguhit na sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-14-25-28-33-40.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kahit nagsisimula na ang tag-ulan at mabagyong panahon, nakakasingit pa rin ang sikat ng araw. Kaya kahit marami kang suliranin, susuwertehin ka pa rin. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-18-22-29-34-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ayusin mo ang iyong mga plano, bigyan ang mga ito ng bagong larawan at itugma sa mga pangyayari sa kasalukuyan. Masuwerteng kulay-black and white. Tips sa lotto-9-10-19-29-31-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi puwedeng hindi ka kikilos kahit nasa loob ka lang ng bahay. Maghanap ka ng magagawa. Gawin mong aktibo ang iyong sarili upang magtuluy-tuloy ang suwerte mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-13-20-24-38-44.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kumukupas ang lahat sa mundo. Sa unang tingin, tila ito ay hindi magandang balita, pero para sa iyo, ang kukupas ay ang mga pangyayaring nagpapahirap sa buhay mo hanggang sa tuluyan na itong mawala at maglaho. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-7-15-17-28-39-42.
SAGITTARIUS (Nov.22-Dec.21) - Kahit abala ka, magplano ka. Hindi naman katawan ang kailangan sa pagbuo ng plano. Ang mabubuo mong plano ang magdadala sa iyo ng kakaibang mga suwerte. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-5-12-18-23-36-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kahit medyo malungkot ang pamamalagi sa bahay, ito pa rin ang magpapalakas sa iyong mga suwerte, na magagamit mo sa mga sandaling nakataya ang kapalaran mo. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-1-19-27-30-33-45.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Makinig ka ng masasayang musika para magdatingan ang mga suwerte sa buhay mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-15-21-24-26-34.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Makipag-ugnayan ka sa mga nasa malayo para mapasaiyo ang magagandang bagay. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-4-14-20-32-38-43



Comments