top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Horoscope | Hulyo 12, 2026 (Linggo)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 day ago
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | July 12, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Hulyo 12, 2026 (Linggo): Hindi ka isinilang bilang isang alipin o utusan. Isinilang ka bilang isang pinuno na nakatakdang mamahala at mag-utos sa iba.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Makakaramdam ka ng kalamangan kaysa sa iba. Bagama't aangat ka, mas mabuti pa ring magpakumbaba dahil higit kang hahangaan ng marami. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-10-23-28-30-42.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mong hayaang mapunta sa iba ang mga bagay na para sa iyo. Gumawa ka ng paraan upang masira ang diskarte ng mga mang-aagaw. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-18-20-24-29-31.


GEMINI (May 21-June 20) - Tapusin mo ang nasimulan mo at tutukan mo ang unang plano. Huwag kang magpatukso sa mga bagong ideya na hahati lamang sa iyong atensyon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-17-22-25-33-35.


CANCER (June 21-July 22) - Sarili mo naman ang unahin ngayon at huwag laging isakripisyo ang sariling kapakanan para sa ibang tao. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-14-26-34-41-45.


LEO (July 23-Aug. 22) - Kikilos ang gulong ng kapalaran ayon sa gusto mo kahit hindi ka gumawa ng hakbang. Kusang papabor sa iyo ang suwerte. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-11-13-15-27-42.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kung saan ka mas madadalian, iyon ang piliin mo. Hindi ito ang panahon para maghirap dahil ginhawa ang landas na tatahakin mo ngayon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-19-21-24-28-30.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Lalapit ang suwerte na magbibigay sa iyo ng masarap na buhay. Lakas ng loob at mabilis na pagpapasya lamang ang kailangan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-16-23-26-34-36.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ituloy mo ang balak mong pagpapaunlad ng sarili. Ang langit mismo ang naglagay sa iyong isip ng pormula kung paano ka higit na aasenso. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-18-20-24-38-41.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Iyo na ang araw na ito. Humiling ka sa langit at asahang ibibigay ito sa iyo kahit tila imposible itong makuha. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-18-22-25-28-35.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Papaboran ka ng nakakataas. Bukod dito, magiging mas malapit siya sa iyo at ipadarama niyang espesyal ang pagtingin niya kumpara sa karaniwang tauhan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-10-14-16-27-37.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi ngayon ang tamang panahon para pumili. Hayaan mong maganap ang mga pangyayari upang lubusan mong makilala ang bawat isa. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-9-16-24-25-30-34.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ipakita mo ang tunay mong pagkatao. Mas napapalapit ang langit sa mga hindi mapagkunwari, kaya makakatanggap ka ng malalaking buwenas. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-19-23-26-38-42.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page