top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Horoscope | February 8, 2024 (Huwebes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 8, 2024
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Pebrero 8, 2024


Sa may kaarawan ngayong Pebrero 8, 2024 (Huwebes): Tahimik ka lang, pero kakaiba ang iyong katatagan. Wala kang kakibu-kibo pero ikaw ay matapang. Mapapahiya ang sinumang humamon at kumalaban sa iyo.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Pansinin mo ang iyong sarili. Hindi mo kailangan maging seryoso ngayon, ang mas mahalaga ngayon ay dumami nang dumami ang iyong pera.  Masuwerteng kulay-back. Tips sa lotto-6-11-24-27-34-42.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hanga sa iyo ang iba dahil sa iyong katatagan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-18-21-27-33-45.


GEMINI (May 21-June 20) - Hindi mo agad makukuha ang iyong mga pangarap. Ito ang babala ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-16-23-34-38-40.


CANCER (June 21-July 22) - Hawakan mo ang iyong emosyon, dahil kapag nawalan ka ng kontrol matutulad ka sa isang malakas na baha. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-17-25-35-41-44.


LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag mong pansinin ang mga taong nagpapapansin. Kapag pinansin mo sila, mas gugulo ang iyong sitwasyon. Masuwerteng kulay-gold. Tips sa lotto-10-19-22-26-28-36.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mong kaligtaan ang batas ng kalinisan. Lagi mong isaisip ang pagiging malinis at kabanalan ay magkaiba. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-14-21-28-33-45.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Pahalagahan mo ang iyong sarili, at kailangan mo rin maging maingat pagdating sa pagtulong. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-7-12-25-30-37.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Umagwat at dumistansya ka muna sa iba para magtuluy-tuloy ang iyong mga suwerte. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-9-18-27-36-39.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Magdadatingan ngayon ang magagandang oportunidad sa iyong harapan. Pero, maaari kang mamili ayon sa iyong kagustuhan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-5-18-26-33-40.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ngayon mo mapagtatanto na hindi ka naman pala pinabayaan ng langit. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-11-17-22-25-34.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Napakarami mong gustong gawin, pero hindi mo ito matapus-tapos ngayon. Ang payo sa iyo ngayon ay unahin mo muna kung ano ang magaan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-19-24-33-39-43.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nakagugulat ang iyong kapalaran dahil isa ka sa napakaraming nilalang na mapupunta sa malayo at magandang lugar. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-17-22-29-32-35.




Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page