top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Horoscope | Enero 9, 2021 (Sabado)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 9, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| January 9, 2021



Sa may kaarawan ngayong Enero 9, 2021 (Sabado): Para sa iyo ang panalo sa bawat hamon ng kapalaran na iyong lalabanan. Kaya wala kang dahilan para umayaw sa laban ng iyong buhay.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Gawin mo ang anumang gusto mong gawin. Ang masayang balita ay nagsasabing, ang araw na ito at ang mga araw na darating ay nakalaan para sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-18-20-24-39-41.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag ka nang maghanap pa ng dahilan kung bakit hindi mo itutuloy ang matagal mo nang plano. Ngayon ang eksaktong panahon ng pagkilos. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-13-16-23-39-41.


GEMINI (May 21-June 20) - Pagkatapos ng mahabang panahon ng pagpapagod sa mga kasiyahan, ngayon naman ang para sa ipinahingang pagpapaunlad ng kabuhayan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-16-22-28-39-40-45.


CANCER (June 21-July 22) - Hindi makakatikim ng matamis na bunga ang hindi magtatanim. Magtanim ka para sa iyong kinabukasan nang sa gayun ay umani ka ng kasaganaan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-17-20-21-28-35-42.


LEO (July 23-Aug. 22) - Masarap ding may kasama habang nagsisikap, pero kung ang makakasama ay sakit lang ng ulo, wala nang mas mabuting gawin kundi ang mag-isang bumuo ng mga pangarap. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-12-24-28-33-31.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Manghiram ka pero magpahiram ka rin at ang ipahiram mo ay ang mga pormula ng tagumpay na noon pa man ay laman na ng isipan mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-13-17-29-32-37-45.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Iwasan mo ang hindi pagkakaunawaan dahil may babala na ang sitwasyon ay lalala. Piliin mo ang daan ng pagbibigayan nang sa gayun ay maluwag ang landas ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-10-19-22-26-30-35.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Magpasya ka na ngayon. Ipinagkaloob sa iyo ang kalayaang magdesisyon sa kung anong landas ng buhay ang iyong tatahakin. Nasa mga kamay mo ang iyong kinabukasan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-18-23-30-32-39-40.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi nagsasawa ang langit na pagkalooban ka ng mga biyaya dahil sa nakitang kakaibang pagsisikap mo. Huwag kang magbabago. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-16-17-28-31-38-42.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kung saan naroon ang pakikipagsalaran, doon ka. Magagamit mo ang mga natutunan mo sa nakaraan kung saan napagtagumpayan mo ang mabibigat na pagsubok. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-11-14-15-24-35-41.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Lumayo ka sa anumang makasisira sa iyong pagkatao. Kaya ang mga dikit nang dikit sa iyo na sira ang kapalaran ay iyong iwasan. Ito ang mensahe para sa iyo ngayon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-15-18-20-21-22.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Muli, ang hinahanap sa iyo ng langit ay lakas ng loob. Marami ka nito, kaya lang, ayaw mong ilabas. Ngayon ang pagkakataon upang ipamalas mo nang malakas ang iyong loob. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-11-19-25-27-30.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page