Horoscope | Enero 5, 2026 (Lunes)
- BULGAR

- 1 day ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | January 5, 2026

Sa may kaarawan ngayong Enero 5, 2026 (Lunes): Taglay mo ang kakayahang magparami. Kaya kayang-kaya mo ngayong palaguin ang iyong kabuhayan.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Sa unang buwan ng taong ito, ikaw mismo ang magugulat sa sarili mo dahil ang pag-aalinlangan ay biglang mawawala sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-14-22-30-35-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ito ang araw na sadyang inilaan sa iyo ng langit. Kaya inuutusan ka na magmadali. Gawin mo na ngayon ang pagmamadali at tiyak na ikaw ay magtatagumpay sa anumang gawain na nais mong tapusin. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-12-28-31-33-40.
GEMINI (May 21-June 20) - Ngayon ka na kumilos para sa mas asensadong buhay. Langit na mismo ang gagawa ng paraan upang makuha mo ang mga nais mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-13-20-25-39-43.
CANCER (June 21-July 22) - Ipakita mo ang mga natatagong galing mo. Dahil ito mismo ang magbibigay sa iyo ng nakamamanghang kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-16-18-27-34-40.
LEO (July 23-Aug. 22) - Malakas ka, kahit pa akalain mong mahina ka. Alam ng mga nakakakilala sa iyo na mahirap kang talunin. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-15-23-35-37-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kapag dumating ang mga suwerte, agad itong bubuhos sa iyo. Kaya mas magandang pahalagahan mo ang mga ito. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-11-19-27-38-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Inuutusan ka ngayon na magmahal. Kapag ginawa mo iyon, sunud-sunod na suwerte ang makakamit mo ngayong taon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lott-3-10-13-22-32-44.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nagbabago ang takbo ng buhay at iba iyon sa inaasahan ng tao. Sa pagbabago ng kapalaran, ang dating hindi mo kayang gawin, kering-keri mo na ngayon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-17-20-24-33-45.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nag-aabang sa iyo ang pag-angat mo at mapapasaiyo ito kapag tuluy-tuloy mong ginawa ang mga bagay na sa iba’y tila imposible o mahirap mangyari. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-15-21-29-34-43.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi makakasingit ang mga lihim na kaaway mo. Maiiwan sila ng mga pangyayaring magbibigay sa iyo ng magandang buhay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-14-23-27-30-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nagbabalik ang mga araw na dahil sa pagkabigla mo, ikaw ay bubuwenasin. Magpasalamat ka lagi sa Itaas. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-18-25-28-31-42.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nasa larangan ng negosyo ang suwerte mo. Kaya tutukan mo ang pinagkakakitaan mo para mas umangat ang kabuhayan mo. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-7-12-22-26-37-40.






Comments