top of page
Pokwang.jpg

Horoscope | Enero 30, 2021 (Sabado)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 30, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| January 30, 2021



Sa may kaarawan ngayong enero 30, 2021 (Sabado): Simula noong ikaw ay bata, hindi ka na nauutusan. Bakit kaya? Dahil ikaw ay hindi isinilang bilang tagasunod, bagkus, ikaw ay isinilang bilang tagautos.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Pabigla-bigla ang pag-angat mo sa buhay. Bababa ka at tataas sa huli kung saan mas mataas ka kaysa sa pinapangarap mong mataas na kalagayan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-19-20-24-30-44.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ganito ang sabi at ito ay totoo na kung sino ang iyong nakakasama, magiging ganu’n ka. Kaya ang payo ay dumikit ka sa mga sinusuwerte at tiyak na ikaw din ay susuwertehin. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-11-12-28-39-41-45.

GEMINI (May 21-June 20) - Itataas ka ng nasa paligid mo, pero mag-aalinlangan ka dahil ang alam mo, kaya lang naman maganda ang nangyayari sa iyong buhay ay dahil likas kang mapalad. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-15-29-34-37-41-42.

CANCER (June 21-July 22) - Mahihirapan ka at parang susuko sa hamon ng buhay, pero sa hindi inaasahang pagkakataon, may masisilip kang liwanag tulad ng liwanag sa gilid ng makakapal na ulap. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-11-12-26-39-44.

LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi mo kailangan ng sobrang sipag at sikap dahil ang mga suwerte ay kusa namang guguhit sa iyong buhay. Gayunman, ang sikap at hirap mo ay mapakikinabangan mo pa rin. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-18-22-25-34-38-41.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kakatok sa kapalaran mo ang pagkakataong ikaw ay umasenso. Nagbabalita rin ito na mamumuno ka at hahawak ng maraming tao. Huwag mong atrasan dahil kailangan mo itong tanggapin at yakapin. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-17-24-25-36-38-40.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nakatutuwa ang kapalaran mo ngayon dahil mapasasaiyo ang pinapangarap ng marami. Ikaw na hindi sapat ang kakayahan ay siyang magtatagumpay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-14-16-27-30-33.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ipadama mo sa lagi mong nakakasama ang iyong pagtingin. Huwag mong kalilimutan na ang nakakasama ay regalo sa iyo ng langit. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-19-21-24-39-42.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong bitiwan ang dati nang nagpasaya sa iyo. Mahalaga rin ang mga bagong kaibigan at kapalagayang loob, pero sila ay susubukan muna ng panahon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-18-20-27-28-39-40.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nakakatuwa ang buhay sa mundo. Ang minsang nanlamang ay muling manlalamang. Ikaw ang nasa huli, kaya muli kang malalamangan ng isang malapit sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-17-22-25-34-35-45.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mahirap paniwalaan pero kahit nag-aalinlangan ka, ang payo ay awayin mo ang nagmamahal sa iyo. Sa ganitong kakaibang paraan, lalong tatamis ang inyong relasyon at pag-iibigan. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-16-18-20-24-39-46.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Walang sinumang makapipigil sa pag-ikot ng kamay ng orasan. Sa ganitong katotohanan, upang hindi ka mapag-iwanan, huwag kang mabuhay sa kabiguan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-15-14-16-20-21-25.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page