Horoscope | Enero 23, 2021 (Sabado)

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| January 23, 2021
Sa may kaarawan ngayong Enero 23, 2021 (Sabado): Papataas nang papataas ang kinikita mo. Ito ay kung may sarili kang negosyo, pero kung wala, magiging masaya lang ang buhay mo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Sumunod ka lang sa agos ng buhay at makaaasa ka na ikaw ay makikinabang. Hindi naman mahirap ang pormula ng pagpapayaman na kung ano ang gusto mo, ‘yun ang ibenta mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-10-13-29-34-36.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Pag-aralan mo muna ang bawat marinig mo. Sa araw na ito at sa ilang araw pang darating, nagkalat ang mga mandaraya gamit ang magagandang pananalita. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-2-10-14-23-26-34.
GEMINI (May 21-June 20) - Magbawas ka ng bilis nang sa gayun ay makita at madama mo ang pagmamahal sa iyo ng isang nilalang na may malaking maitutulong sa kung paano mo maaabot ang iyong mga pangarap. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-10-14-16-25-30.
CANCER (June 21-July 22) - Natatanaw mo na ang mga araw kung kailan ka sasaya. Hindi ka dinadaya ng sarili mo dahil walang makapipigil sa masasayang araw na ito. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-11-18-22-25-31-33.
LEO (July 23-Aug. 22) - Panatilihin mo ang kakaibang kabaitan mo sa iyong kapwa dahil ito mismo ang hinahangaan sa iyo ng langit, kaya ang mga biyaya at pagpapala ay dumadaloy nang tuluy-tuloy sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-12-24-28-35-37.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang magpapatangay sa negatibong kaisipan na naglalabas-masok sa ulo mo. Huwag mong kalilimutan na ang negatibo ay magbubunga rin ng negatibo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-18-21-29-38-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Sikapin mong maayos ang gusot sa iyong buhay. Ikonsidera mo ang pagbibigayan kung saan lahat ay mananalo. Ang magandang kapalaran ay nagmumula sa maayos na buhay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-17-20-24-33-38-40.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Gigil na gigil ang talunan, kaya umiwas ka sa mga ito. Ang talo na ay talo na at ang mas maganda ay magsaya ang nanalo. Magsaya ka at magsaya pa. Ito ang para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-10-14-21-29-32.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Magbawas ka. Kapag gumaan ang iyong pasanin, mas bibilis ang takbo ng iyong magagandang kapalaran. Huwag mong pahalagahan ang mga wala namang kuwentang bagay. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-13-17-24-33-36.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kapag maganda ang pakiramdam, susuwertehin. Ito ay batas ng kapalaran na nagsasabi ring ang mga nagpapasakit ng ulo ay dapat huwag pansinin. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-10-11-18-21-29.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang magdamot. Tulad ng dati, wala kang pinipili kahit sino. Kapag ginawa mo, maagang darating ang nalalapit na kaarawan mo kung saan ang langit ay reregaluhan ka ng suwerte at magagandang papremyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-19-21-28-30-33-38.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Bagama’t medyo makulimlim pa rin ang panahon, medyo napapamalas na ang panahon ng tag-init. Ibig sabihin, ang magagandang kapalaran ay isa-isang darating sa buhay mo kung masasabi mong mahal ka pala ng langit. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-19-25-26-39-40-44.




Comments