top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Horoscope | Enero 20, 2021 (Miyerkules)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 20, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| January 20, 2021



Sa may kaarawan ngayong Enero 20, 2021 (Miyerkules): Hindi ka mabibigo sa mga pangarap mo dahil lingid sa kaalaman mo, gumagawa na ngayon ng paraan ang langit para sa iyo.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Panatilihin mo ang kababaang-loob mo dahil ito ay isa sa susi ng pagkakaroon ng kaligayahan habang tinatamasa ang bunga ng mga pinagsikapan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-19-21-28-27-35-38.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nagiging malakas na puwersa ang marami ‘pag nagsama-sama. Makibahagi ka sa iisang layunin at makikita mo na mabilis at walang kahirap-hirap mong makukuha ang iyong gusto. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-18-20-24-27-34.


GEMINI (May 21-June 20) - Huwag mong labanan ang pagiging mabagal mo. Sa kabagalan, makikita mo ang mga dapat gawin na hindi mo makikita kapag mabilis ka. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-7-11-18-23-42.

CANCER (June 21-July 22) - Nakatutuwa ang kapalaran mo ngayon dahil patuloy kang pakikitaan ng langit ng magagandang bagay at ito ay sa dahilang nakita kang mapagmahal sa iyong kapwa. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-16-20-24-27-35.

LEO (July 23-Aug. 22) - Naglalaban ang saya at lungkot sa loob ng iyong buhay. Masaya ang paligid mo, pero ikaw naman ay kakikitaan ng lungkot sa loob ng iyong sarili. Ang payo ay mamahinga ka muna. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-12-22-26-39-41-45.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Karagdagang sikap pa ang kailangan mo. ‘Wag kang magpapatangay sa pagsasaya. Kung matatangay ka, ito ay dahil manghihinayang ka sa marami pang magagandang bagay na mapasasaiyo sana. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-7-24-27-31-35-41.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi na pahahalagahan ng langit kung tamad ka o ayaw mong umunlad. Ibibilang ka pa rin sa mga tatanggap ng mga biyaya at pagpapala. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-18-21-26-35-42.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang magtangi! Ibig sabihin, kahit sino ay pasayahin mo. Kahit ang kinainisan mo, pasayahin mo dahil ang utos ng langit ay muli, huwag kang magtangi. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-10-13-29-31-38.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong sayangin ang lakas mo sa mga walang kuwentang pagsasaya. Ang lakas ng tao ay dapat na ginagamit sa paghahanda sa kanyang magandang kinabukasan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-17-19-27-33-36-44.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi totoo na sa malayo mo lang makukuha ang saya at ligaya. Sa ngayon, kahit hindi ka sumama sa pamamasyal, sa maniwala ka o hindi, pasasayahin ka ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-19-20-28-30-32-41.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakapagtataka ang kapalaran mo ngayon dahil ang ayaw mo, ‘yun ang mapasasaiyo. Ang gusto mo ay mapupunta sa iba at ang mapupuntahan ay magsisisi sa huli. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-11-18-28-39-40.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Para kanino kaya ang huling halakhak? Kanino pa, kundi para sa iyo. At ang karagdagang masayang balita ay nagsasabing, ang masasayang ngiti ay para rin sa iyo sa buong taong ito ng 2021. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-17-26-32-38-43.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page