Horoscope | Enero 17, 2021 (Linggo)

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| January 17, 2021
Sa may kaarawan ngayong Enero 17, 2021 (Linggo): Higit kaninuman, ang mga suwerte mo ay malalaki. Ito ang dahilan kaya ka pinatatag at pinatibay ng iyong kapalaran.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ipaglaban mo ang iyong pinaniniwalaan. Sa ganitong paraan, lalong lalapit sa iyo ang magagandang bagay na ipagdadamot ng langit sa mga hindi naninindigan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-19-20-29-30-31-35.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Darating na ang mga suwerteng matagal mo nang hinihintay-hintay. Huwag mong kalimutan ang mga ipinangako mo sa iyong sarili na tutulungan ang mga dapat tulungan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-22-29-33-37-40.
GEMINI (May 21-June 20) - Saya ang magsisilbing magnet para maakit mo ang mas marami pang masasayang kapalaran. Huwag kang papatalo kahit kailan sa kalungkutan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-19-28-39-30-41.
CANCER (June 21-July 22) - Kapag maganda ang takbo ng buhay pag-ibig mo, gaganda rin ang takbo ng kapalaran mo. Lutasin mo ang mga suliranin sa pagitan mo at ng minamahal mo.
Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-17-20-24-26-35-37.
LEO (July 23-Aug. 22) - Ibaba mo ang iyong sarili na kapantay ng mga pangkaraniwan. Sa ganitong paraan, mas susuwertehin ka dahil ang langit ay labis na matutuwa sa ipakikita mong kababaang-loob. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-18-21-23-38-39-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ibahagi mo sa iba ang mga ideyang naglalabas-pasok sa isip mo. Hindi lamang mga bagay ang hindi dapat ipagdamot. Ito ang isabuhay mo ngayon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-15-22-25-27-32-36.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Isuot mo ang paborito mong alahas kahit nasa loob ka lang ng iyong bahay dahil ito mismo ang iyong malakas at makapangyarihang pampabuwenas. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-12-20-24-28-34-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung ano ang ikagaganda ng buhay mo, ‘yun ang mangyayari. Tanggapin mo nang maluwag sa loob ang kaganapan kahit hindi mo gaanong maunawaan ngayon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-15-21-25-27-38-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Sundin mo ang iyong mga plano. Huwag mo nang babaguhin kahit pa may marinig kang sa biglang tingin ay mas maganda. Ito ang sikreto ng magandang kapalaran mo ngayon. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto- 11-19-22-23-38-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Iyung-iyo ang araw na ito at ang mga araw na darating ay para pa rin sa iyo. Ito ang pasya ng langit na noon pa nakaguhit sa kapalaran mo. Susuwertehin ka ngayong taon, kaya magpasalamat ka sa nasa itaas. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-16-20-21-25-27-34.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Makakabahagi ka ng mga biyayang ihuhulog ng langit. Para mas marami at malalaki ang mapasaiyo, ang payo ay nagsasabing isuot mo ang paborito mong damit, ngayon na. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-12-28-30-33-36-38.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag kang manatili sa isang puwesto nang may katagalan. Tayo-upo, lakad-balik. Nakatutuwang payo, pero sa ganitong paraan, magdaratingan ang mga suwerte mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-17-21-23-25-38-41.




Comments