Horoscope | Enero 15, 2023 (Linggo)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Enero 15, 2023
Sa may kaarawan ngayong Enero 15, 2023 (Linggo): Lahat ng maganda ay para sa iyo. Ito ang mismong kapalaran mo at kung hindi sinasadya na pumangit ang buhay mo, kikilos ang langit upang agad itong gumanda.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kung ano ang maganda sa tingin, ‘yun ang pag-ukulan mo ng pansin. Hindi ito masama, ang totoo, inspirasyon ang iyong makukuha sa magaganda, kaya mas sisigla ka pa. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-19-25-33-37-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kung ano ang gusto mo, gawin mo. Huwag kang mag-alinlangan dahil ang talagang gusto ng langit ay magawa mo muna ngayon ang gustong-gusto mong gawin. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-4-10-15-22-28-30.
GEMINI (May 21-June 20) - Magbabalik sa iyo ang masasayang alaala ng lumipas. Dahil nakita ng langit na masyadong tutok ka sa iyong ambisyon na para bang nakalimutan mo na ang iyong nakaraan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-19-21-25-26-36-38.
CANCER (June 21-July 22) - Alam mong mas mahalaga ang mas maligaya ka kaysa tanggapin ang mga materyal na bagay na nasa harapan mo. Ngunit kung may darating na materyal na bagay, tanggapin mo pa rin dahil ang mga ito ay talagang para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-18-20-22-26-39.
LEO (July 23-Aug. 22) - Noon pa man ay malakas na ang karisma mo at papalakas pa ito nang papalakas. Mag-ingat ka dahil ang sobrang malakas ang karisma ay naaakit ang mga wala nang karapatan. Ito ang paalala sa iyo ng kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-10-14-18-29-30.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nasaan ba ang suwerte mo? Saan pa nga ba kundi nasa pagkilos. Kumilos ka nang kumilos at hindi mo mamamalayan na sobrang masuwerte ka na pala. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-19-23-28-30-34.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ikaw ang masusunod ngayon. Kahit medyo ayaw ka nang sundin ng mga nasa paligid mo, wala silang magagawa dahil ang gusto mo pa rin ang mangyayari. Ang totoo, palagi ka namang nasusunod. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-19-21-25-39-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kapag alam mong hindi ka naman talaga sasaya, lumayo ka na. Hindi maganda sa tao ang dinadaya ang sarili at nagbabakasakali sa wala namang magandang kauuwian. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-15-17-20-25-30-35.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong pansinin ang mga negatibong opinyon na naririnig mo dahil makakasira lang ang mga ito sa diskarte mo. Alalahanin mo na may plano ka na at ang mga ito ay isa-isang matutupad ngayong taon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-22-27-28-38-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Unahin mo ang problema sa pag-ibig dahil ang totoo, hindi ka naman makakakilos nang maayos kapag magulo ang isip at damdamin mo ngayon. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-11-21-29-31-33-36.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kinakabahan ka ba ngayon na hindi mo alam kung bakit at parang hindi ka mapakali? Ang tunay na dahilan ay nasasagap mo na ang mabilis na pagdating ng mga suwerteng matagal nang nakalaan sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-18-20-24-26-38-40.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Gusto mo bang buwenasin? Ang sikreto ay nagsasabi na huwag kang masyadong manatili sa puwesto. Maglakbay ka nang maglakbay sa malalayong lugar, dahil ngayong 2023, nasa malalayong lugar ang suwerte mo. Masuwerteng kulay- apple green. Tips sa lotto-2-19-21-25-34-38.




Comments