Horoscope | Enero 14, 2021 (Huwebes)
- BULGAR

- Jan 14, 2021
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| January 14, 2021
Sa may kaarawan ngayong Enero 14, 2021 (Huwebes): Mahirap kang kalaban dahil kahit sa biglang tingin ay kahit nananalo ang kalaban mo, pakiramdam nila ay sila pa rin ang talo. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Nagbabalita ang araw na ito na dahan-dahang nag-aatrasan ang hindi magagandang kapalaran na paparating sa buhay mo. Ito ay dahil sa positibong kilos mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-16-20-26-30-33-35.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kapag nakaisip ka ng maganda, gawin mo agad. Hindi puwede na masingitan ka ng pag-aalinlangan dahil ang pag-aalinlangan ang numero-unong sanhi ng panghihinayang. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-15-21-24-28-30.
GEMINI (May 21-June 20) - Hawak mo ngayon ang iyong kapalaran. Kung magpasya ka na gawin ang isang bagay para sa iyong pag-unlad, makakaasa kang uunlad ang iyong buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-12-26-29-31-35-42.
CANCER (June 21-July 22) - Hindi lang isa ang handang magbigay sa iyo ng alalay at ito ay iyong alam. Piliin mo ang may malinis na kalooban nang hindi ka magsisisi. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-14-15-23-37-40-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Puwedeng maging dalawa ang isa. Kaya maliit ang tsansa na mapanindigan mo na isa lang ang mamahalin mo. Ito ang katotohanan dito sa ibabaw ng mundo, lalo na sa buhay mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-10-11-18-21-24-33.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mapasasaiyo ang anumang gusto mo. Isa lang naman ang kailangang makita ng langit — ikaw ay talagang desidido. ‘Yun lang at tiyak na tiyak na ibibigay sa iyo ang gusto mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-19-29-32-37-40-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nagbababala ang araw na ito at ang mga araw na darating na puwedeng magbago ang takbo ng buhay pag-ibig mo na para na ring ikaw at ang lahat sa paligid mo ay masusurpresa. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-20-27-37-42-44.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kikilos ang kapalaran mo para maging matatag ang iyong kabuhayan. Ang mga nararanasang hirap na parang hindi ka makausad ay panandalian lang at hindi magtatagal. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-15-18-21-25-39-42.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Lalago pa ang kinikita mo kapag patuloy kang nakipagsapalaran kahit may ilang pangyayari na ikaw ay parang nalugi. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-12-22-27-39-40.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang magtaka kapag nakaranas ka ng balakid sa mga plano mo. Ito ay simpleng nagsasabi na may dapat ka pang ayusin sa mga proyekto mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-19-21-24-27-30-33.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakatutuwa ang mga nasa paligid mo. Inaakala nila na ang buhay ay parang laro lang sa iyo. Ang hindi nila alam, sa kabilang ng saya ay naroon ang malalim na lungkot mo. Mauswerteng kulay-black. Tips sa lotto-15-25-26-30-34-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kapag binilisan mo pa ang pagkilos mo, maiiwanan mo nang milya-milya ang mga karibal at kakumpitensiya mo at hindi ka na nila aabutan pa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-20-28-31-38-41.




Comments