top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Horoscope | Enero 12, 2021 (Martes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 12, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| January 12, 2021



Sa may kaarawan ngayong Enero 12, 2021 (Martes): Itinalaga ka para mamuno. Ito ang kapalaran mo, ang humawak ng mga tao. Panatilihin mong nakasayad ang mga paa mo sa lupa.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ingatan mong makasakit ka ng loob dahil lang sa maling nagawa ng kapwa mo. Alalahanin mo na ang lahat ay nagkakamali kahit ikaw din. Ito ang paalala sa iyo ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-18-20-24-26-39-40.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ituloy mo ang pangarap mo kahit nakararanas ka ng hirap. Mas walang kuwenta ang taong walang pangarap sa buhay dahil wala silang mararating na anuman. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-19-22-28-33-37.


GEMINI (May 21-June 20) - Mararansan mo ngayon na ang hindi mo inasahan ay siya pala ang iyong maaasahan. Habang ang inasahan mo, balewala ka lang pala sa kanya. Ito ang mensahe sa iyo sa araw na ito. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-16-22-27- 30-31-32.


CANCER (June 21-July 22) - Hindi lang iisa ang tao sa mundo. Marami ang katugma ng iyong pagkatao. Maghintay ka lang at sila ay magdaratingan na sa buhay mo. Mamili ka sa kanila. Piliin mo ang isang mataba. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-15-19-20-22-26-42.

LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag kang matukso sa nakikita mo. Hindi totoong puwede kang yumaman nang walang kahirap-hirap. Masasayang lang ang mga panahon mo kapag nagpatangay ka sa ganda ng mga pangako. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-19-24-26-29-31-37.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Tanggapin mo kung ano ang ipinagkaloob ng langit. Mas maganda na sumusunod ang tao sa dikta ng kapalaran. Mas mahirap ang sasalungat dahil masaydong masasaktan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-18-20-27-30-32-35.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Pag-aralan mo ang puwedeng mangyari sa iyo na aakalain mong isa lang ang mawawala pero hindi pala. Mas mabuti ang inaanalisa muna ang mga gusto mong ipatupad. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-12-15-21-28-41-42.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Maganda ang dating sa iyo ng araw na ito dahil maraming oportunidad ang nasa iyo. Kahit anong mapili mo, gaganda ang iyong buhay. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-25-28-30-39-41.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Gaganda ang takbo ng mga pangyayari kung hihingi ka ng opinyon sa mas mababa kaysa sa iyo. May alam silang mga paraan na hindi pumapasok sa isip mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-15-16-20-23-36.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ingatan mo ang mga pinagsikapan mo. Hindi madali ang naranasan mong hirap. Huwag mong kalimutan na ang pinaghirapan ay pinahahalagahan. Ito ang paalala sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-13-19-20-26-39-41.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Magpalakas ka dahil nalalapit na ang katuparan ng mga pangarap mo. Kapag mahina ka, maaantala ang pagganda ng buhay mo. Ito ang payo sa iyo ng kapalaran. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-18-21-28-30-32-33.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ilalapit ka ng iyong kapalaran sa isang mag-aalok sa iyo ng magandang buhay. Kapag nangyari na, huwag mong tanggihan dahil langit mismo ang lihim na nag-utos sa kanya. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-16-17-22-26-36-42.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page