Horoscope | Disyembre 5, 2020 (Sabado)
- BULGAR

- Dec 5, 2020
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| December 5, 2020
Sa may kaarawan ngayong Disyembre 5, 2020 (Sabado): Makapupunta ka sa malalayong lupain, sa ayaw mo man o sa gusto mo dahil kapalaran mo ang mag-uutos sa iyo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Muling nagbalik ang mayaman mong imahinasyon. Muli ka ring nagkaroon ng pagkakataong mas mapaganda pa ang magaganda sa buhay mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-18-29-30-32-34.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nagbababala ang araw na ito na madali kang mapaniniwala sa magagandang panukala na kung lalaliman mo ang pagsusuri ay hindi maganda ang kauuwian. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-16-22-27-39-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Pansamantalang papaboran mo ang nasa malayo. Kaya pansamantala lang dahil sa huli ay mauunawaan mo na mas mahalaga sa buhay ang nasa malapit lang. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-20-21-27-30-31-38.
CANCER (June 21-July 22) - Ituloy mo ang iyong plano kahit may pag-aalinlangan ka dahil ang pagiging mapag-alinlangan ay likas lang sa iyo. Muli, ituloy mo ang mga unang plano mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-13-18-22-31-37-40.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi sugod nang sugod ang pagiging mapanuri sa bawat anggulo ng isang proyekto. Bago ka kumilos, ang payo ay nagsasabing pag-aralang mabuti ang gusto mong gawin. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-8-11-19-26-27.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Unahin mong tulungan ang iyong sarili, kaya pagbutihin mong gumanda ang kapalaran mo. Kapag nasa ayos na ang buhay mo, saka mo tulungan ang mga gusto mong tulungan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-19-21-24-30-33-36.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kapwa nawawasak ang dalawang malakas na puwersa kapag nagkasalubong. Malakas ka at malakas din ang makakaharap mo. Ang pag-iwas ay hindi isang kaduwagan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-23-27-31-34-38-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Masasaktan ka lang kapag pinilit mo ang gusto mo. Hindi ngayon ang panahon para sa pagpupumilit. Tahimik na paghihintay ang tawag sa panahong ito na sumasaiyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-17-19-22-29-34-37.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Madarama mong lumuluwag ang buhay mo. Huwag mong ipagpalagay na ang maluwag na buhay ay isang buhay na maginhawa kung saan wala nang mga kailangan pang pangarapin. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-15-16-25-27-39.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong subukan na ibalik ang nakaraan kung kailan nasaktan ka lang. Hindi ka na dapat magkamali na ang matuwid na daan ay hindi ang pabalik na daan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-17-18-22-29-30-32.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Magsaya ka at magsaya ka pa. Huwag mong hayaan na makasingit sa iyo ang mga lungkot na nagdaan. Ang isa pang nakatutuwang payo ay nagsasabing magsuot ka ng bago. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-11-22-25-39-40-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ito ang araw na maglalabas-pasok sa isip mo ang magagandang bagay na hinaharap. Magkakatotoo kaya ang lahat ng ito? Mahirap paniwalaan, pero ang sagot ay isang malaking “oo”. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-14-18-20-27-34-42.




Comments