top of page

Horoscope | Disyembre 4, 2025 (Huwebes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 day ago
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | December 4, 2025



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Disyembre 4, 2025 (Huwebes): Laging may nakaabang na mga suwerte sa landas ng buhay na iyong tinatahak. Mapapasaiyo ito, kapag nagawa mong unawain ang mga taong hindi marunong umintindi.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mahirap sundin, ang totoo, ito ang pinakamahirap gawin na “mahalin mo ang kaaway mo,” pero kapag nagawa mo ito, may nakalaan ang langit para sa iyo na malaking premyo. Masuwerteng kulay–beige. Tips sa lotto-2-17-20-28-30-32.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Tanggapin mo nang maluwag sa loob ang mga pangyayari sa iyong harapan. Ito ang sikreto para lumuwag ang loob mo at mabigyang-daan ang mga bago mong kapalaran. Masuwerteng kulay–blue. Tips sa lotto-9-10-14-18-25-36.


GEMINI (May 21-June 20) - Matinding pagsubok na ang iyong kinaharap. Kapag binalikan mo ang nakaraan, mas grabe pa sa mga ito ang iyong napagtagumpayan. Masuwerteng kulay–black. Tips sa lotto-4-15-19-23-39-42.


CANCER (June 21-July 22) - Mababa ang mga luha mo ngayon, pero ‘wag kang mabahala dahil simpleng mensahe lamang ito na kahit sa mga munting ligaya, ikaw ay mapapaluha ngayon. Masuwerteng kulay–violet. Tips sa lotto-7-17-22-33-35-41.


LEO (July 23-Aug. 22) - Manindigan ka. Ngayon mo ipakita na buo ang loob mo, hindi noon na natangay ka ng iyong kapwa. Sa paninindigan, ikaw ay hahangaan at kikilalanin. Masuwerteng kulay–peach. Tips sa lotto-8-18-28-30-37-40.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Palagi mong pasayahin ang malungkot. Kahit na hindi mo kayang pasayahin ang sarili mo, magkunwari ka pa ring masaya at walang problema. Masuwerteng kulay–red. Tips sa lotto-4-13-24-26-31-45.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi kung hindi, at oo kung oo. Anuman ang maging pasya mo ngayon, igagalang pa rin ito ng langit. Masuwerteng kulay–burgundy. Tips sa lotto-9-10-14-16-25-34.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Naghahanda ang langit ng isang malaking suwerte para sa iyo na ikagugulat ng mga inggit sa buhay mo, at ang mga kaaway mo. Masuwerteng kulay–white. Tips sa lotto-7-19-21-28-30-44.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mapupunta sa iyo ang ilang suwerte na inayawan ng iba dahil sa magulong isip nila. Maging masinop at mapagpahalaga ka sa mga biyayang ihuhulog ng langit. Masuwerteng kulay–green. Tips sa lotto-1-16-22-32-39-43.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kahit wala kang gawin o anuman ang pananaw mo, hindi na mahalaga dahil noon pa nagpasya ang langit na pagandahin ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay–yellow. Tips sa lotto-6-18-20-24-38-40.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Muling ibinalik ng langit ang mga araw kung kailan bawat kahilingan mo ay papaboran sa iyo. Magpasalamat ka lagi sa Itaas. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay–purple. Tips sa lotto-2-14-27-30-34-41.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Madarama mo na parang masikip ang mundo mo, na kung kailan ay hindi mo maigigiit ang gusto mo. Ang masuwerteng balita para sa iyo ay nagsasabing pansamantala lang ang ganito. Masuwerteng kulay–pink. Tips sa lotto-6-15-17-25-35-45.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page