top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Horoscope | Disyembre 4, 2020 (Biyernes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 4, 2020
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| December 4, 2020



Sa may kaarawan ngayong Disyembre 4, 2020 (Biyernes): Pagmasdan mo ang lahat nang may pag-ibig sa iyong mga mata. Ito ang isa sa sikreto ng kapalaran mo nang sa gayun ay hindi magsawa ang langit na mahalin ka.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kapag maaliwalas ang isip mo, magiging maaliwalas din ang lahat para sa iyo. Isip ang nagdidikta kung ano ang mangyayari sa buhay ng isang tao. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-18-29-30-34-38-42.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mas malalaking suwerte ang magdaratingan sa iyo. Magpasalamat ka sa nasa itaas nang sa gayun ay patuloy kang mabiyayaan. Ang payo ay ibahagi mo sa iba ang ilang suwerte mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-19-21-25-28-33-36.


GEMINI (May 21-June 20) - Papaunlad pa ang buhay mo, kaya mali ang nasa isip mo na panandalian lang ang dating ng mga suwerte mo. Ito ang ilagay mo sa iyong isipan. Ito ang mangyayari sa kapalaran mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-14-24-27-30-31-32.


CANCER (June 21-July 22) - Naghahanda ang langit ng malaking surpresa para sa iyo. Ang paunang senyales ay nadarama mong lumalakas ka at may kakaibang sigla. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-20-23-28-37-38.


LEO (July 23-Aug. 22) - Ito ang araw na kailangang planuhin mo ang mga gagawin mo dahil sa araw na ito, ang bawat isa ay masaya. Kung hindi ka magpaplano, mababawasan ang pagsasaya mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-11-19-21-25-26-38.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mong hayaan na pumasok sa buhay mo ang pagkakataon na tila wala kang pakialam sa mga araw na darating. Ang lahat ay dapat nakikibahagi sa takbo ng buhay sa mundo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-15-21-24-28-30-31.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Inutusan ng langit ang mga nasa paligid mo na pasayahin ka. At kung hindi nila ito gagawin, babawasan sila ng mga suwerte at mahimalang malilipat sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-19-22-25-28-41-42.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kumilos ka nang may tiwala sa sarili dahil ang mismong langit ay nagtitiwala sa iyo na mapauunlad mo ang iyong buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa kasalukuyan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-18-20-22-27-32.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Oo, marami ngayon ang puwede mong pagpilian na magbibigay sa iyo ng masayang buhay, pero pinag-iingat ka dahil ang iba sa mga ito ay panandalian lang. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-12-17-27-30-38-41.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Parang isang bituin na patuloy na nagliliwanag ang kawangis ng iyong kapalaran ngayon. Huwag na huwag mong kalilimutang magpasalamat sa nasa itaas. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-15-21-25-33-37-38.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Napaliligiran ka ng mga tukso. Dapat mong maunawaan na ang tukso ay nakasisira ng kapalaran. Ito ang gawin mong basehan kung sino ang tukso at hindi. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-16-20-29-31-32-36.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag mong pansinin ang nagpapapansin dahil masisira lang ang araw mo. Hindi naman umaayon ang mga kilos niya sa mga puwedeng makatulong sa buhay mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-18-21-31-32-37-41.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page