Horoscope | Disyembre 30, 2020 (Miyerkules)

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| December 30, 2020
Sa may kaarawan ngayong Disyembre 30, 2020 (Miyerkules): Walang pagbabago, magpapatuloy ang mga hamon ng iyong kapalaran. Ang masuwerteng balita ay magpapatuloy pa rin ang pag-ani mo ng mga tagumpay at magagandang kapalaran.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Isang banat pa, abot mo na ang katuparan ng iyong ambisyon at ang payo sa iyo, dagdagan mo pa ang ambisyon mo. Kumbaga, hindi ka dapat makuntento sa kasalukuyang kalagayan mo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-11-19-20-24-39-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Humahabol pa ang magagandang kapalaran na gusto ring gumuhit sa buhay mo. Manatili kang positibo nang madagdagan pa ang mga magandang pagbabago sa buhay mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-10-14-21-28-30-33.
GEMINI (May 21-June 20) - Unahin mo ang talagang gusto mo. Hindi maganda na magbago ka ng prayoridad dahil lang sa ibang tao. Sila ang liligaya at hindi ikaw. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-6-11-23-24-32.
CANCER (June 21-July 22) - Hindi mo kailangan ang maraming bagay. Mas pahalagahan mo ang magandang pakikipagrelasyon sa mga mahal mo sa buhay. Ito ang susi ng kaligayahan para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-17-27-30-31-37-40.
LEO (July 23-Aug. 22) - Maganda ang mga regalo, pero sa unang mga araw lang. Ang tunay na maganda ay ang makita mong nagbabago ang isang malapit sa buhay mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-18-26-37-38-45-46.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi lang ang mga paputok ang sumasabog. Ingtan mong ikaw ay sobrang magalit. Kahit hirap kang unawain ang isang tao, mabuting sikapin mo pa rin siyang maunawaan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-15-16-24-27-34-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung ano ang makagaganda sa buhay mo, ‘yun ang gawin mo. Huwag kang magkakamali na kung ano ang maganda para sa iba, ‘yun ang iyong gagawin. Sobra ka na sa sakripisyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-10-14-25-31-32.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong pag-aksayahan ng panahon ang mga labas-pasok na negatibong pananaw sa isip mo. Ang mga ito ay nagtatangka lang na pigilan ang iyong pag-asenso. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-11-16-20-34-38.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Dito sa mundo, mahirap lang paniwalaan na mas maganda ang nahihirapan kung saan ang mga madaling makuha ay hindi pinahahalagahan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-17-20-21-27-30-33.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kung saan ka sasaya, roon ka. Hindi na makagaganda para sa iyo ang napakahabang pagsasakripisyo mo. Ang buhay ay dapat masaya, hindi dapat mahirap. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-21-26-33-37-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Makibahagi ka sa mga aktibidad na magbibigay ng inspirasyon sa mga tao. Marami kang katangian na puwedeng magbigay ng kakaibang sigla at lakas sa mga mahina. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-16-24-26-36-39-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Humihina ang malakas at ang mahina ay lumakas. Mahina ka ayon sa iba, kaya humanda sila dahil papalakas nang papalakas hanggang silang mahiyang sama-sama. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-11-18-27-29-31.




Comments