Horoscope | Disyembre 3, 2020 (Huwebes)

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| December 3, 2020
Sa may kaarawan ngayong Disyembre 3, 2020 (Huwebes): Mamumuno ka dahil nakaatang sa iyong mga balikat ang pamamahala at kapangyarihan. Mahalin mo ang iyong mga pamumunuan.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Tumataas nang malapit na sa sagad ang iyong matalas na pakiramdam. Huwag mong hayaan na dahil dito ay makasamaan mo ng loob ang ilang malalapit sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-18-20-25-39-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Panigan mo kung sino ang tama, pero ang nasa mali, iyo pa ring unawain. Sa ganitong paraan, ang mga hindi pagkakaintindihan ay maaayos nang mabilis. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-18-20-21-25-30-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Kapag pinansin mo ang nagmamarunong at nag-aakalang alam niya ang lahat, mahihirapan lang ang loob mo dahil likas na sa tao ang ugali na mahirap nang magbago. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-19-21-24-28-35.
CANCER (June 21-July 22) - Hindi baleng akalain na mahina ka. Hindi baleng isipin na sunud-sunuran ka lang. Dahil ang tunay na nakakikita sa lahat ay ang nasa itaas. Malakas ka at masuwerte pa. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-10-11-13-15-21.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi mo nakikita ang tunay na sitwasyon sa paligid dahil abala ka sa mga walang kuwentang bagay kung saan nagsasayang ka lang ng kabuhayan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-19-21-22-25-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kunin mo kung ano ang maganda sa iyong naririnig at itapon mo ang mga hindi mabubuting sinasabi. Sa ganitong paraan, makikinabang ka kahit sobrang naiinis ka. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-17-20-21-25-28-38.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Bakit pagkakagastusan ang plano mo? Ang planuhin mo ay kung paano darami ang iyong kabuhayan at kung paano gaganda ang iyong kinabukasan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-29-31-32-35-39-40.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Sumisingit sa isip mo ang mga negatibong pananaw. Para ito ay iyong malabanan, kumuha ka ng inspirasyon sa mga napagtagumpayan mong mga hamon ng kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-18-20-24-26-30-31.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Muling ibinalik ng langit ang iyong masusuwerteng araw. Gawin mo na ang anumang gusto mong gawin, huwag kang matakot dahil ang nasa itaas ay nasa tabi mo lang. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-10-15-26-30-32.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Sumunod ka lang sa dominanteng tao. Hindi dahil siya ay tama kundi dahil kapag walang kumokontra sa kanya, kusa siyang mag-iisip at maiisip niyang siya ay mali. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-19-23-27-30-39-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Malalayo ang loob sa iyo ng malalapit sa buhay mo dahil aakalain nila na may ibang mahalaga kaysa sa kanila. Mas magandang huwag mong hayaan na ito ay mangyari. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-9-13-26-34-40.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Suwerte ka ngayon. Sino naman ang malas? Sino pa kundi ang mga kontrabida sa buhay mo at kabilang din ang mga inggit lang sa iyo. Mapapahiya sila sa kanilang mga sarili. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-11-19-20-24-29-36.




Comments