top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Horoscope | Disyembre 29, 2020 (Martes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 29, 2020
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| December 29, 2020



Sa may kaarawan ngayong Disyembre 29, 2020 (Martes): Huwag mong sayangin ang mga biyaya na bigay sa iyo ng langit. Hindi ka dapat matulad sa mga taong dahil sinuwerte ay ayaw nang ituloy ang pagsisikap.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Samantalahin mo ang kakaibang sigla mo nang sa gayun ay mas lalo mong maiwanan ang mga karibal at kakumpitensiya mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-15-20-24-28-36-40.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Lumalago ang mga halaman dahil nadidiligan ng ulan. Lalago rin ang iyong pinagkakakitaan kung ito ay iyong didiligan ng pagsisikap. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-11-18-25-26-33-39.


GEMINI (May 21-June 20) - Bumabaha sa isang lugar kapag matagal nang napabayaan ang mga kanal at daluyan ng tubig. Huwag mong hayaan na magpatuloy ang mga munting problema na sa huli ay malalaki na. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-12-20-29-31-32-38.


CANCER (June 21-July 22) - Ganito ang sabi, ang sakit ng kalingkingan ay sakit ng buong katawan. Tulungan mo ang mga mahal mo sa buhay. Sasakit din naman ang loob mo kapag siya ay ‘di nabuhay nang maayos. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-22-27-34-39-40-43.


LEO (July 23-Aug. 22) - Nakatutuwa ang kapalaran mo ngayon. Kahit pinaghaharian ka ng katamaran, ang magagandang bagay ay patuloy mong mararanasan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-16-23-30-31-35-42.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi totoong kapag maulan, walang ginagawa ang mga tao. Magplano ka at pag-aralan mo ang takbo ng iyong negosyo. Gawin mo ito sa mga araw na hindi ka gaanong makalabas. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-14-24-36-40-43.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mo nang balikan pa ang naging sanhi ng iyong kabiguan. Maliit ang tsansa na sa muling pagkakabalikan, ang hindi magagandang katangian ay mababago at mawawala na. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-13-19-21-28-33-36.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kapag walang ginagawa, ang tao ay puwedeng tumaba. Bakit ka papayag na wala kang gagawing anuman kahit umuulan? Linisin mo at bigyan ng bagong ayos ang iyong bahay. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-15-28-29-34-38-44.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kahit medyo mahirap, sanayin mo ang iyong sarili na kumilos mag-isa. Hindi maganda sa tao ang palaging umaasa sa alalay at tulong ng kapwa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-10-14-23-27-41.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Tanggapin mo ang mga ibinibigay sa iyo. Mas marami kang matatanggap, mas maganda. Puwede mong magamit ang mga ito sa pagpapalago ng iyong kita. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-19-21-25-29-33-35.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Paminsan-minsan, dapat pasayahin ang kapwa. Ibig sabihin, hindi maganda kung palaging ikaw ang pinasasaya. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-12-22-23-39-40-42.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung sino ang nagpapasaya sa iyo, siya ang pahalagahan mo. Kung sino ang madalas na sumisira sa iyong dikarte, layuan mo. Ito ang susi sa buhay na payapa at matiwasay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-16-20-21-27-34-36.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page