top of page
Pokwang.jpg

Horoscope | Disyembre 27, 2020 (Linggo)

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 27, 2020
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| December 27, 2020



Sa may kaarawan ngayong Disyembre 27, 2020 (Linggo): Malalaking suwerte ang para sa iyo at ito ay regalo ng langit dahil sa pagiging matatag mo. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Pagbibigyan ka ng iyong kapalaran na masimulan ang matagal mo nang gustong negosyo. Makararanas ka ng ilang hadlang, pero ito ay pansamantala lang. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-17-22-29-35-37-40.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ipagpaliban mo ang malalaking proyekto. Unahin mo ang mga madaling matapos kung saan hindi ka gaanong mahihirapan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-16-21-23-35-40-45.

GEMINI (May 21-June 20) - Kapag nahirapan ka, huwag kang umangal o magreklamo. Ang totoo nga, lihim kang matuwa at magsaya dahil may kakambal ang mga ito na malalaking suwerte para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-14-29-39-40-45.


CANCER (June 21-July 22) - Padadalhan ka ng langit ng mga makatutulong sa iyo, hindi dahil ikaw ay mahina kundi para mapabilis ang iyong pag-asenso. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-9-11-15-19-23.

LEO (July 23-Aug. 22) - Sikat ng Haring Araw ang magbibigay sa iyo ng suwerte. Hindi mahalaga kung matagal o maiksi lang na pagsikat nito sa iyo. Ang mahalaga ay dumapo sa iyo ang init ng Haring Araw. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-14-29-24-26-34-38.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Bilis ng pagkilos ang susi upang ikaw ay buwensin. Kahit dinadalaw ka ng lungkot, kumilos ka nang mabilis. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-11-18-30-33-36-42.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mahirap paniwalaan, pero ang simpleng pagsasayaw ay magsisilbing pang-akit mo sa mga suwerte na nasa paligid. Kaya sumimple ka ng pagkilos na ikaw ay parang nagsasayaw. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-16-26-29-31-35-43.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Gusto mong buwenasin? Madali lang naman, pero maaaring hindi mo paniwalaan dahil ito ay nagsasabing magkakakain ka ng napapanahong mga prutas. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-12-22-25-39-44-45.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Sabay-sabay na darating sa iyo ang magagandang oportunidad. Mamili ka at ang payo sa iyo ay nagsasabing ang piliin mo ay tugma sa malalaki mong pangarap. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-14-18-29-33-39-41.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong kaligtaang magpasalamat sa pagtulong sa iyo ng kapwa mo na hindi mo naman kakilala. Sapat na ang munting ngiti niya para magtuluy-tuloy ang suwerte mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-12-20-24-27-36-44.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kung saan marami ang nagsasaya o namasyal na masasaya, roon ka pumunta. Dahil noon pa man at kahit kailan, ang saya ay magsisilbi mong pampasuwerte. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-16-17-25-28-42.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Puntahan mo ang kaibigang matagal mo nang hindi nakakakuwentuhan. Magugulat ka dahil iikot ang gulong ng iyong kapalaran at magsisidapo sa iyo ang magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-18-23-26-39-40.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page