top of page
Pokwang.jpg

Horoscope | Disyembre 21, 2020 (Lunes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 21, 2020
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| December 21, 2020



Sa may kaarawan ngayong Disyembre 21, 2020 (Lunes): Mula sa ibaba, iaangat ka ng iyong kapalaran. Mapapahiya ang mga hindi naniniwala sa iyo dahil akala nila, mananatili kang nasa ibaba.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Pagkakataon mo na para makinabang sa mga mga proyektong inayawan ng iba dahil akala nila ay wala silang magandang mapapala. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-17-20-28-39-40-43.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mayayabang ang makakaharap mo ngayon. Huwag kang masindak. Kadalasan, ang nagyayabang ay nagkukunwaring malakas pero sila, sa totoo lang ay mahina. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-19-24-26-34-38-45.


GEMINI (May 21-June 20) - Nasa ilalim ng dagat ang perlas. Hindi puwede na kulang ka sa sigasig. Ipakita mong ikaw ay seryoso nang sa gayun ay makuha mo ang gusto mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-15-16-23-35-42.


CANCER (June 21-July 22) - Tuluy-tuloy pa ang kakaibang dating ng iyong mga buwenas. Sa mga hindi inaasahang sandali, ang magagandang kapalaran ay ihuhulog ng langit sa iyong harapan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-11-19-28-30-39.

LEO (July 23-Aug. 22) - Kambal-suwerte ang para sa iyo. Ibig sabihin, ang pananalo mo ay masusundan ng isa pang panalo. Magpasalamat ka sa nasa itaas. Ito ang masuwerteng balita para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-17-21-25-36-40-41.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Pagbigyan mo ang hindi magandang ginagawa sa iyo. Nakamasid ang langit na kapag nakitang ikaw ay hindi mapaghiganti, dadagsa sa buhay mo ang magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-10-13-23-35-45-47.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kapag iniingatan ang isang bagay, ito ay magtatagal sa iyong buhay. Ingatan mo ang mga nasa iyo na at mahalin mo ang hawak mo na. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-24-28-31-36-40-42.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong hayaang gawin ng isang tao ang mga bagay na alam mong hindi makabubuti sa kanya. Ituro mo kung ano ang tama para sa kanya. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-24-26-33-37-41-45.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Magagandang bagay ang mapasasaiyo kapag hindi mo sinaktan ang kalooban ng isang may pagtingin sa iyo. Iwasan mong magsalita nang hindi maganda sa kanyang pandinig. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-19-21-28-38-43-46.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kahit sobrang makapal ang madilim na ulap, nagliliwanag pa rin. Ganundin ang buhay ng tao— kahit sobrang bigat ng mga problema, ito ay lumilipas din. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-14-22-25-31-38-42.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Iyung-iyo ang araw na ito. Hinihintay na ng langit ang magiging kahilingan mo. Huwag kang mag-alinlangan at sabihin mo kung ano ang magpapasaya sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-16-21-29-33-35-43.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi ka mabibigo, kaya lakasan mo ang loob mong gawin ngayon ang hindi mo nagawa sa nakaraan dahil naduwag ka at pinanghinaan ng loob. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-11-13-22-26-45.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page