Horoscope | Disyembre 20, 2025 (Sabado)
- BULGAR
- 2 hours ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | December 20, 2025

Sa may kaarawan ngayong Disyembre 20, 2025 (Sabado): Sasamantalahin ng iba ang iyong kabaitan, pero hindi ka iiwanan ng langit at dahil sa kabaitan mo ring ito, ikaw ay pagpapalain.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hawakan mo ang iyong emosyon. May babala na maiisahan ka dahil sa iyong pagiging maawain. Tandaan mo, hindi masama ang maawa, pero dapat sa nakakaawa lang. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-11-18-23-25-38-40.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nagdadamot ang isang tao dahil alam niya na madalang dumating ang mga biyaya. Hindi ka mapapabilang sa kanila, sapagkat ang mga suwerte at magagandang bagay ay panay-panay ang dating sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-19-27-31-35-44.
GEMINI (May 21-June 20) - Huwag mong bigyang-pansin ang maganda sa tingin, dahil ang mga tukso ay karaniwang ginagamit ang kahinaan ng mata ng tinutukso. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-9-14-24-36-40.
CANCER (June 21-July 22) - Gawin mo muna ang gusto mong gawin. Ito ang araw na ang langit ay nasa iyong tabi at ang mga kontrabida at karibal mo ay paparusahan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-17-20-22-35-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Pakinggan mo ang malapit sa puso mo. Siya ang naatasan ng langit na magtuwid sa mga pagkakamali at kahinaan mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-19-28-30-39-45.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kapag naisahan ka ng iyong kaibigan, wala kang dapat ikagalit dahil ang magkakaibigan ay talagang paminsan-minsan ay nagdadayaan. Masuwerteng kulay–violet. Tips sa lotto-2-16-21-27-32-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Muling nakakaalala ang nakakalimot! Kaya huwag kang gaanong magtampo sa akala mo ay nakalimutan ka na. Sa ibang araw, babawi siya sa iyo dahil maaalala niya ang mga kabutihan mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-15-25-34-38-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Dito sa mundo, ang tapos na ay madalas muling nagkakaroon ng simula. Ang akala mong love life na nagwakas ay muling mabubuhay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-16-21-23-33-42.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nasa itaas ka na, pero aangat ka pa. Gayunman, may babala na darami ang mga lihim na maiinggit sa iyo. Mas maganda na lagi kang nakaalerto. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-5-14-20-29-37-40.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mahina ka ngayon dahil iiral ang iyong pagiging maramdamin. Huwag mong pigilan ang iyong sarili, dahil ang kahinaan ng tao ay paminsan-minsan ay kailangang hayaan lamang na mangyari. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-18-21-27-31-45.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakatutuwa ang kapalaran mo ngayon dahil makikitang kahit nasasaktan ang iyong damdamin ay parang nasasarapan ka pa. Ang nakatutuwa pa nito, habang nasasaktan ka at nasasarapan, marami namang suwerte at magagandang kapalaran ang magdaratingan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-19-22-25-30-44.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ito ay araw mo, at bukas ay araw mo pa rin! Ang totoo, dumating na ang mga araw mo ngayong panahon ng Kapaskuhan, kaya ngayon na rin magdadapuan sa iyong katawan ang iba’t ibang uri ng suwerte at magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-12-16-28-39-43.




