Horoscope | Disyembre 19, 2025 (Biyernes)
- BULGAR

- 2 hours ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | December 19, 2025

Sa may kaarawan ngayong Disyembre 19, 2025 (Biyernes): Kusang darating sa iyo ang mga suwerte at may mga suwerte ka rin mula naman sa pagsisikap mo. Kaya huwag mong kaligtaan na magpasalamat sa langit.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Nakakapagod ang araw-araw na buhay, pero ngayon kikilos ang langit at bibigyan ka ng kasiyahan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-19-24-31-38-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Dadami ang mga kaibigan mo dahil kahit ayaw nila sa iyo, mahimalang gugustuhin ka nilang maging bahagi ng kanilang masayang buhay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-11-21-24-30-44.
GEMINI (May 21-June 20) - Dagdag-biyaya ang nakalaan sa iyo. Huwag mo itong sayangin, bagkus idagdag mo ito sa pinagkakaabalahan mong pagpapalago ng kabuhayan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-10-19-28-34-40.
CANCER (June 21-July 22) - Kikilos ang langit para labanan ang mga taong gusto kang sirain. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-18-26-33-35-43.
LEO (July 23-Aug. 22) - Iyo ang araw na ito, pero huwag mong gamitin sa mga kinaiinisan mo. Mas magandang palaguin mo pa nang palaguin ang negosyo mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-14-23-27-32-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Isang hakbang paatras – dalawang hakbang pasulong, ito ngayon ang isabuhay mo nang sa gayun ay malito at masira ang diskarte ng mga kakompitensya mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-18-20-23-36-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Tularan mo ang agila na kapag masama ang panahon ay lumilipad sa ibabaw ng unos. Huwag mo munang harapin ang mga hindi mo kaya. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-15-24-29-38-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Mahuhulog mula sa itaas ang mga mayayabang na walang magawa kundi ang maliitin ka. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-11-19-28-31-43.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Muli mong pagbigyan ang mga taong nagkamali. Ikaw rin naman ay madalas na nagiging ganu’n. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-17-21-27-35-40.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kumilos ka na parang wala kang pinagdadaanan. Ito ang sikreto para ang magagandang kapalaran ay mabilis na gumuhit sa buhay mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-16-20-25-34-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hayaan mo lang ang mga walang magawa kundi ang pintasan ka. Sa totoo lang, sila ay hindi masaya sa kanilang buhay. Masuwerteng kulay-olive green. Tips sa lotto-2-9-13-23-36-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nasa mga kaibigan mo ang iyong suwerte. Sila ang magpapaganda ng buhay mo at sila rin ang gagawa ng paraan upang mapasakamay mo ang iyong mga pangarap. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-18-28-30-38-45.







Comments