top of page
Pokwang.jpg

Horoscope | Disyembre 16, 2020 (Miyerkules)

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 16, 2020
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| December 16, 2020



Sa may kaarawan ngayong Disyembre 16, 2020 (Miyerkules): Paulit-ulit kang dinadapuan ng mga suwerte. Huwag mong kalilimutan na ang magagandang kapalaran ay pinahahalagahan at iniingatan at hindi basta-basta ipinamimigay.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Maganda ba ang takbo ng mga araw mo? Mas lalong papaganda kapag patuloy kang maniniwala sa sarili mo. Ito rin ang susi sa iyong pagpapayaman. Ito ay isang paalala para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-11-19-20-28-30-31.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Marami ang handang umalalay sa iyo, pero hindi mo pa sila kailangan dahil kayang-kaya mo pang mag-isa na tahakin ang landas ng tagumpay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-15-24-27-32-33-35.


GEMINI (May 21-June 20) - Muli, ipinaaalala sa iyo na ngayon ay hindi ka dapat malibang sa masasayang kaganapan dahil ang kailangan mo ay paghandaan ang iyong mga obligasyon sa hinaharap. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-17-20-23-28-39-42.


CANCER (June 21-July 22) - Didikit sa iyo ngayon ang may malaking maitutulong sa iyo. Dahil siya ay lihim na nakatanggap ng utos mula sa langit na alalayan ka sa iyong mga pangangailangan. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-18-22-24-26-37-41.


LEO (July 23-Aug. 22) - Magagawa mo ang kahit anong gusto mong gawin. Mas magandang pagtuunan mo ng pansin ang pagpupundar sa kinabukasan at hindi ang kapakanan ng ibang tao. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-17-20-21-28-33-35.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mong pansinin ang sinasabi ng iyong damdamin. Ang pakinggan mo ay utos ng iyong isip dahil ang bawat kilos ng tao ay dapat pinag-aaralang mabuti ng isip. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-18-20-26-28-30-41.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung ano ang maganda, roon ka. Ang maganda sa tingin ay lalong nagbibigay sa iyo ng sigla at kapag masigla ng tao, siya ay lalong binubuwenas. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-14-25-26-38-40-42.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Tunay na ligaya ang makukuha sa tunay na kaibigan. Piliin mo ang may malinis na puso at mabuting kalooban at hindi ang pinasasaya, pero hanggang masaya ka lang naman. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-10-19-24-28-30-32.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kasabay ng paglitaw ng mga bulalakaw, ang mga suwerte mo ay magdaratingan sa iyong buhay. Ibahagi mo sa iyong kapwa ang sobra sa iyong pangangailangan. Ito ang paalala sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-16-24-27-32-37-40.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Pahahalagahan mo ngayon ang mga lumang bagay. Ito rin ay nagsasabing ang dati mong mahal ay mas papaboran kaysa sa bago at hindi mo pa gaanong kakilala. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-13-19-22-27-33-39.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Espasyo ang kailangan mo, ibig sabihin, lumayo ka muna at sa paglayo mo, makakaasa ka na ang maiisip mo ay pinakatamang dapat mong maging desisyon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-16-20-22-25-27-36.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Palagi kang pangungunahan na para bang siya ay kailangan mong pakinggan. Pakikinggan mo ba siya? Oo, dahil siya ngayon ay itinalagang gabay mo sa buhay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-12-14-27-30-32.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page