top of page

Horoscope | Disyembre 10, 2025 (Miyerkules)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 days ago
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | December 10, 2025



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Disyembre 10, 2025 (Miyerkules): Higit kang masuwerte kesa sa iba. Sa katunayan, puwede ring ipangalan sa iyo ang salitang “Bukod na pinagpala sa lahat ng nilalang,” dahil kabilang ka sa mga sadyang pinagpala at sinusuwerte talaga.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Sasaya ka kahit bigyan ka ng kalungkutan ng ilang malalapit sa iyo. At ang nakakatuwang katotohanan ay kapag ang langit ang nagpasaya sa tao, malaking saya ang kahulugan nito. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-11-19-21-26-29.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Muling nagbalik ang simpleng pampasuwerte mo sa buhay, at ito ay nagsasabing ayusin at linisin mo ang iyong sariling bahay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-15-27-31-36-45.


GEMINI (May 21-June 20) - Ito ang araw na dapat kang lumayo. Sa paglayo mo, mas lalawak ang iyong pagkatao, na siyang sasagap ng mas marami pang suwerte at magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-14-24-28-34-40.


CANCER (June 21-July 22) - Muling nagbalik ang mga araw na sobrang lakas ng iyong likas na gayuma. Sa biglaang tingin, ito’y maganda, pero mag-ingat ka, dahil maaari mong maakit ang mga taong wala namang karapatan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-13-20-22-37-41.


LEO (July 23-Aug. 22) - Makipagsapalaran ka para manalo ka. Lakasan mo ang loob mo upang mapasaiyo ang panalo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-16-23-33-38-40.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kapag binalikan mo ang mga hamon ng kapalaran na iyong napagtagumpayan, makakaasa ka na ang malaking hamon na iyong kinakaharap ay iyong malalampasan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-10-14-24-30-42.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ingatan mo ang bagong relasyon upang mabago ang kapalaran mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-15-21-25-39-44.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Tutukan mo ang iyong pinagkakakitaan upang hindi makalagpas sa iyo ang dagdag-suwerte na kalakip ng magandang takbo ng negosyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-19-26-34-37-41.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ito ang araw na may sorpresa sa iyo ang langit. Kapag sinabing sorpresa, kaakibat nito ang dagdag-biyaya na may kaugnayan sa salapi at relasyon. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-1-9-11-28-38-42.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Lumayo ka sa mga iyakin. Kung maaalala mo dati, noong madikit ka sa ganitong klase ng tao, pumapangit din ang buhay mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-12-29-31-33-40.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Magbigay ka para bigyan ka rin. Ito ang batas ng kapalaran sa mundo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-14-18-27-32-45.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ito ang araw na nakabukas at nakatapat sa iyo ang tenga ng langit. Ngayon ka na humiling at huwag mo na itong habaan pa. Makikita mo, agad-agad itong matutupad at magkakatotoo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-10-16-21-30-43.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page