top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Horoscope | Disyembre 1, 2020 (Martes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 1, 2020
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| December 1, 2020



Sa may kaarawan ngayong Disyembre 1, 2020 (Martes): Kakaiba ang takbo ng kapalaran mo dahil sa bawat pagsubok ay may nakalaan sa iyo na magagandang kapalaran. Sa iba, patuloy lang silang dumaraan sa mga pagsubok.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi bagay o gamit ang iyong pampasuwerte ngayon kundi ang katangian mo na mapaghintay at hindi tinatalo ng pagkainip. Ito ngayon ang iyong isabuhay.

Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-4-18-20-23-28-30.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kahit hindi mo gaanong maunawaan, mas maganda pa rin na lumakad ka sa loob ng bahay nang walang sapin ang iyong mga paa nang sa gayun ay dumapo sa iyo ang mga suwerteng kailangan mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-19-21-25-28-34.


GEMINI (May 21-June 20) - Hindi puwede na sa bahay ka lang. Para maaakit mo ang mga suwerteng nasa paligid, mamasyal ka. Sa pamamasyal, hindi naman obligado na bumili ka ng magagandang bagay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-14-15-28-30-31.

CANCER (June 21-July 22) - Magpapakita ka ng awa sa gumawa sa iyo ng pagkamali kahit siya ay paulit-ulit na ikaw ay dinadaya. Gayunman, susuwertehin ka at siya ay papangit ang kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-10-11-15-17-20.


LEO (July 23-Aug. 22) - Ngayon ang tamang araw para magkawang-gawa sa hindi mo naman mga kakilala pero mga kapos sa kapalaran. Gawin mo at magdaragsaan ang mga suwerte sa buhay mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-18-21-25-27-38.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Tulungan mo ang nangangailangan. Ang banal na utos na tumulong ay hindi sinasabing ang tutulungan ay mga kakilala o malalapit sa may kakayahang tumulong. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-16-17-22-26-30-33.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Isuot mo ang paboritong hikaw mo dahil ito ang pampasuwerte mo. Sa loob ng bahay at kahit sa labas at anuman ang ginagawa mo, maghikaw ka. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-10-17-29-32-36.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Lumayo ka sa mga sobrang makuwento dahil hindi sinasadyang mahahawa ka sa kanila at masasayang ang mga oras na pakikinabangan mo sa makabuluhang bagay. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-18-22-28-31-39-42.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ikaw ang magdikta at hindi dapat ikaw ang diktahan. Kaya lumalago ang iyong kabuhayan ay dahil sa pagmamando mo sa mga bagay na nasa iyong harapan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-19-21-28-30-33-37.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huhusgahan ka ngayon ng mapanghusga. Lihim kang matuwa dahil ayon sa kapalaran, mas gaganda ang buhay mo kaysa sa mga taong mapanghusga. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-17-20-26-27-35-41.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Didikit sa iyo ngayon ang taong naghahanap ng inspirasyon. Sa pagdidikit n’yo, higit kang makikinabang, kaya ‘wag mong iwasan ang magsasabi na ikaw ay kanyang kailangan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-10-11-14-28-38.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Linisin mo ang dekorasyon sa dingding na mga bagay na sa dagat galing. Ang mga ito mismo ang magsisilbing epektibong pampabuwenas mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-19-22-24-39-40-41.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page