top of page
WINNER - SEN. ROBIN, IPINAGDIINANG DDS SI JOSHUA-FB Robin Padilla.jpg

Horoscope | August 9, 2022 (Martes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 9, 2022
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Agosto 9, 2022


Sa may kaarawan ngayong Agosto 9, 2022 (Martes): Panalo ang para sa iyo sa bawat hamon ng kapalaran na iyong haharapin. Ngunit kung aatrasan mo ang mga ito, mapabibilang ka sa mga bigo at talunan.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iyung-iyo ang araw na ito. Hinihintay na ng langit ang mga kahilingan mo. Huwag mo nang lagyan pa ng maraming dekorasyon, bagkus, sabihin mo nang direkta kung ano talaga ang gusto mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-18-20-24-28-30-33.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Muling lumakas ang puwersa ng kapalaran. Mahihigop mo ang magagandang bagay sa landas ng buhay na iyong tinatahak ngayon. Huwag mong kalimutan na magpasalamat sa nasa itaas. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-19-21-25-27-31-32.

GEMINI (May 21-June 20) - Huwag mong sayangin ang lakas at galing mo sa mga taong walang ginagawa kundi sumalungat sa iyong mga ideya. Mas maganda na lumayo ka sa mga ito. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-10-14-15-29-38.

CANCER (June 21-July 22) - Kung sino ang kinaiinisan mo, nasa kanya ang ilang suwerte mo. Mas maganda na panatilihin mo ang lihim na pagkainis sa mga naririnig mo sa kanya at sa kanyang mga kilos. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-25-27-34-39-40-42.


LEO (July 23-Aug. 22) - Iwasan mong magalit ngayon. Ikaw ay sobrang malakas at makakaapekto sa sinumang makakagalitan mo na titig mo pa lang ay makadarama na sila ng takot. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-12-20-21-25-38-41.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ngayon ka inuutusan ng iyong sarili na gawin ang mga hindi mo nagawa dahil mahina ang loob mo. Ito ang ibig sabihin ng kakaibang sigla na nadarama mo ngayon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-11-13-16-22-25-34.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Masasalamin mo sa iyong makakaaway ang sarili mo dahil siya ang gagawa ng ayaw mo. Ang ayaw mong makita sa kanya ang itinatago mong mga pangarap. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-14-15-24-32-33-35.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Magagawa mo ang gusto mong gawin ngayon dahil binigyan ka ng kalayaan ng langit. Huwag mong sayangin ang pagkakataon, kaya kumilos ka nang kumilos. Ngayon ang panahon ng pagwawagi para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-15-29-30-31-39.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hinay-hinay lang, mahaba pa ang mga araw na pabor sa iyo. Ang totoo nga nito, puwede kang mamahinga at mamasyal. Gawin mo ito nang makatikim ka ng saya at ligaya. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-19-20-27-37-42.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Gamitin mo ang tapang na sugurin ang iyong mga pangarap. Hindi maganda kung ang susugurin mo ang iyong mga kaaway. Huwag mong kalimutan ang Banal na Utos na mahalin ang kaaway. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-4-17-22-26-37-40.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mananamlay lang ang mga lihim mong kaaway dahil makikita nila na sobra kang nagsasaya at ang bagay na magpapasarap pa sa buhay mo ay nagdadatingan sa iyo ngayon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-10-15-17-25-36.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Isang hakbang paatras at dalawang hakbang pasulong, gawin mo ito nang gawin. Ito ang pormula para maiwanan nang husto ang iyong mga karibal at kakumpitensya. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-11-16-24-31-38.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page