top of page
Search
  • BULGAR

Horoscope | August 8, 2022 (Lunes)

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Agosto 8, 2022


Sa may kaarawan ngayong Agosto 8, 2022 (Lunes): Malalaking suwerte ang inilaan sa iyo ng kapalaran, kaya noon pa man ay pinatitibay at pinalakas ka upang ang mapasasaiyong mga suwerte ay hindi masayang.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kahit nasaan ka, binabantayan ka ng langit. Ang mga hindi mo kaya ay kakayanin ng langit. Huwag mong kakaligtaan na magpasalamat sa nasa itaas. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-19-20-24-25-33.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Papagaanin ng langit ang iyong mga pasanin dahil ikaw ay natagpuang may mabuting kalooban kahit may mga pinagdadaanan ka. Ito ang paalala ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-10-15-28-32-34.


GEMINI (May 21-June 20) - Nakakakita ang naghahanap. Hindi ka mabibigo at ang totoo nga, marami kang makikita, kaya ikaw ang mamimili kung ano ang angkop sa iyong kakayahan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-16-17-25-30-31-36.

CANCER (June 21-July 22) - Hindi ka mauubusan ng mga suwerte mula sa langit. Ang totoo, marami ang mapupunta sa iyo dahil ang nag-aalinlangan ay hindi na lalapitan ng magagandang kapalaran. Ang lahat ng para sa kanila ay sa iyo pa mapupunta. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-11-18-23-26-34-35.

LEO (July 23-Aug. 22) - Magbawas ka ng pasanin. Una mong alisin ang mga hindi marunong tumingin sa mabuting ginagawa mo. Ito ang sikreto nang magsipasok sa buhay mo ang mga bagong oportunidad. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-12-29-30-31-32.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ipakita mong buo ang iyong loob. Hahangaan ka ng langit at ikaw ay reregaluhan ng mga kakaiba at naggagandahang kapalaran na para lang sa malalakas ang kalooban. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-16-17-19-20-23-38.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Bagong bagay ang magdadala sa iyo ng mga suwerte ngayon. Puwede mong baguhin ang ayos ng iyong buhok at puwede ring magsuot ka ng mga bagong kasuotan at gumamit ng mga bagong kagamitan. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-1-18-21-29-33-37.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Pahinga ang nagpapalakas sa katawan. Mamahinga ka dahil mahaharap ka sa mga bagong pakikipagsapalaran dahil tiyak na tatanggap ka ng malalaking pakinabang. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-19-20-24-27-35-42.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Malaki ang maitutulong sa iyo ng bagong kakilala. Ang totoo, hindi sinasadya na may magaganda at malalaking kapalaran na sa kanya mo lang makukuha. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-14-26-32-38-40.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Iyung-iyo ang araw na ito. Humiling ka sa langit at kahit may pagkaimposible at mahirap mangyari ay gagawa Siya ng paraan para malubos ang iyong kasiyahan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-14-18-21-25-41.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Iwanan mo ang ayaw magbago dahil ang pananatili sa kanya ay mauuwi sa pagpangit ng iyong kapalaran. Huwag kang mag-alala dahil ang lungkot ay panandalian lamang. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-19-20-24-33-31.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung saan ka madadalian, ‘yun ang piliin mo. Bakit mo pahihirapan ang iyong sarili, gayung ang ilan sa iyong pagpipilian ay hindi ka naman mahihirapan? Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-17-19-22-26-30-41.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page