top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Horoscope | August 6, 2022 (Sabado)

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 6, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Agosto 6, 2022


Sa may kaarawan ngayong Agosto 6, 2022 (Sabado): Kahit marami kang pagkakamali, hindi hihinto ang gulong ng kapalaran para bigyan ka ng mas maraming suwerte at magagandang kapalaran.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Naghahanda ang langit ng magagandang oportunidad na magdadala sa iyo sa lalo pang pagsulong ng iyong buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-11-19-20-28-30-35.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Suwerte ka ngayon. Sino naman ang mamalasin? Sino pa nga ba kundi ang mga kontrabida sa buhay mo at ang mga lihim na naghahangad na mabigo ka sa iyong mga pangarap. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-18-21-23-31-33.

GEMINI (May 21-June 20) - Nagbalik ang pinakamalaking kahinaan mo at ito ay ang hindi ka nagpaplano dahil lumalabis ang tiwala mo sa iyong sarili. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-11-19-25-26-34-35.

CANCER (June 21-July 22) - Papalakas nang papalakas ang iyong karisma. Ngayon masusubukan ang namimintas sa iyo. Oo, sa lakas ng karisma mo, sila ang unang hahanga sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-16-21-23-36-38-42.


LEO (July 23-Aug. 22) - Kung ano ang wala sa tao, ‘yun dapat ang kanyang ginugusto. Pag-isipan mong mabuti ang patakaran mo sa buhay, kung saan ang gugustuhin mo ay ang may mga katangiang tulad ng sa iyo. Masuwerteng kulay-ocher yellow. Tips sa lotto-14-20-24-28-30-31.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kahit pinamamahayan ka ng mga negatibong pananaw, gaganda pa rin ang iyong kapalaran dahil babalewain na lang ng langit ang mga kahinaan at kapintasan mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-19-22-28-32-35.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kusang mawawala ang mga problema mo, lalo na ang hindi mo naman kayang bigyan ng kalutasan. Ito ang regalo sa iyo ng langit dahil sa ipinakita mong pagmamahal sa kapwa sa mga nakaraang araw. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-12-18-20-24-37-41.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi kung hindi at oo kung oo. Bago ka magsalita, tiyakin mo na ang iyong sasabihin ay ang tunay na laman ng puso mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-15-21-23-32-39-42.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Samantalahin mo ang pagganda ng iyong buhay sa larangan ng kabuhayan. Tutukan mo ang mga bagong proyekto na iyong nasimulan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-13-19-21-27-39-40.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mo nang hanapin ang nawala sa iyo. Ayon sa kapalaran mo, higit pa sa mga ito ang nakatakdang mapasaiyo, kaya huwag na huwag kang manghihinayang. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-16-18-29-30-34-38.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kukulangin ka sa pagiging seryoso. Dahil sa bilis ng ginawa mong pagpapasya, mabilis ding maglalaho ang init na iyong nadarama. Ito ang babala ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-17-21-24-25-34-42.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nakakatuwa ang kapalaran mo dahil ang mga suwerte mo ay magmumula sa isang kaibigan na akala mo ay balewala lang sa iyo, pero siya pala ang magbibigay sa iyo ng magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-16-19-25-26-35-37.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page