Horoscope | August 30, 2022 (Martes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Agosto 30, 2022
Sa may kaarawan ngayong Agosto 30, 2022 (Martes): Kakikitaan ka ng mataas na personalidad, kung saan ang dating para sa marami, ikaw ay mapagmataas, pero ang totoo, talagang mas angat ka kaysa sa mga pangkaraniwan.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag kang magpapatalo sa iyong emosyon. Sa nakaraan, nang bumigay ka sa isang taong nagkunwaring nakakaawa ay nasira ang diskarte mo. Natuklasan mo na siya pala ay hindi mo tunay na kaibigan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-16-18-20-24-38.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi na kailangan pa ang malakas na boses para ikaw ay pasunurin. Sapat nang madama mo na ang nag-uutos ay may mabait na kalooban at mapagpahalaga sa iyong dangal. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-14-15-21-26-33-37.
GEMINI (May 21-June 20) - Babawian ng kapalaran ang taong tinulungan mo, pero masama pa ang tingin sa iyo. Huwag kang mag-alala, nakikita ng langit ang mga nangyayari sa balat ng lupa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-25-27-36-39-40.
CANCER (June 21-July 22) - Nakakapawi ng pagod ang magalang sumagot. Hahangaan ka ng mga taong nakakataas sa iyo dahil nabawasan ang pagod niya nang ikaw ay kanyang makausap. Ito ang mensahe sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-15-19-22-24-38-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Layuan mo ang taong ibinigay mo na ang lahat ng iyong kaya, pero hindi pa sapat para sa kanya. Huwag kang magsayang ng kahit kaunting oras sa harap ng isang taong hindi marunong magpasalamat. Masuwerteng kulay-ocher yellow. Tips sa lotto-4-11-16-31-33-36.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kapag maagang umalis, maaga ang dating at nakakapagpahinga pa. Samantalang ang nagmamadali naman dahil naghahabol ng oras ay pagod agad, hindi pa man nagsisimula ang trabaho. Dapat du’n ka sa una. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-18-25-26-31-32-37.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Natatandaan ang nagawa mong pagkakamali. Pero ang nagawa mong kabutihan ay agad na nakakalimutan. Hindi siya tunay na kaibigan kung gayun, kaya umiwas ka at siya ay dapat agad mong layuan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-11-19-20-28-33-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Akala mo ay masungit, ‘yun pala ay mabait. Siya ang papasok ngayon sa kapalaran mo, kung saan makakalimutan mo ang mga dati at kasalukuyang nakakasama mo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-13-16-22-28-35-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - May ayaw kang makitang masaya, pero baka hindi mo agad makilala dahil siya ay nagkukunwaring may halaga ka. Ito ang babala ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-15-16-20-21-27-37.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nakakatuwa ang pakikipagrelasyon mo ngayon dahil kahit sobrang daming nakikialam, hindi pa rin kayo natitinag at lalo pang tumitibay ang inyong pagmamahalan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-18-21-24-26-34-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Natatangay ang mahina. Hindi ka mahina dahil ang totoo, ngayon ay ikaw ang tumatangay sa mga kaibigan mo na kung ano ang gusto mo, hindi sila tatanggi sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-10-16-21-27-33.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - May katwiran kang layuan ang isang mahirap kasama dahil ang mga biro at patawa ay hindi dapat nakakasakit ng damdamin. Ito ang mensahe ng kapalaran mo ngayon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-14-20-24-28-34-41.




Comments