top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Horoscope | August 3, 2022 (Miyerkules)

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 3, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Agosto 3, 2022


Sa may kaarawan ngayong Agosto 3, 2022 (Miyerkules): Malakas ka at ang totoo, mas malakas ka kaysa sa pangkaraniwan, kaya ikaw ay itinalaga ng kapalaran para sa mas matataas na posisyon at katungkulan.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ito na ang araw na iyong pinakahihintay kung kailan madali mong maisasagawa ang mga planong naanatala dahil sa paghihintay ng masuwerteng araw. Ngayon na ang araw mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-10-18-20-24-33.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang maniwala sa iyong nadarama na hindi ka papalarin. Madalas ay dinadaya ng tao ang kanyang sarili dahil sa mga negatibong pakiramdam. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-16-18-21-25-34.


GEMINI (May 21-June 20) - Isa-isa lang ang dampot ng suwerte. Hindi lahat ay kayang hawakan ng mga kamay. Kapag pinilit mo, mas marami pa ang masasayang at may pagkakataon na walang matitira sa iyo. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-13-28-30-31-32-34.

CANCER (June 21-July 22) - Kumilos ka ayon sa gusto mo dahil ngayon at ang ilang araw pang darating ay papabor sa iyong mga hangarin, lalo na kung ito ay magpapaunlad ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-18-25-38-45-46.


LEO (July 23-Aug. 22) - Kahit marami ang mabawas sa iyo, gawin mo pa rin ang iyong obligasyon na pasayahin ang malalapit sa buhay mo. Sa ganitong paraan, matutuwa ang langit at dadagdagan ang mga biyaya mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-11-19-28-30-35.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Walang kilos na nasasayang kapag nagsilbing puhunan sa pagpapalago ng kabuhayan. Ang sayang ay ang mga oras na hindi mo ginamit sa pagpapaunlad at pag-asenso nang tuloy-tuloy. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-10-16-21-24-32.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Tulak ng bibig at kabig ng dibdib, ginagamit lang ba ito sa pag-ibig? Puwede mo rin itong gamitin sa pagkukunwaring malungkot ka, pero sa totoo ay sobra sa sapat ang saya ng iyong pakiramdam. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-14-17-28-30-31.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Tinatangay ng hangin ang mahihina. Ganundin sa tao, natatangay ang mahihina ang personalidad at sila ay nagagamit lang. Ikaw ay malakas, kaya hindi ka dapat magpatangay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-20-37-40-44-48.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nagbabalita ang araw na ito na hindi magtatagal ay tataas ang ranggo mo sa buhay at higit na matutuwa ang mga taong umaasa sa iyo. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-18-22-26-37-41.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mas maraming oras sa trabaho, mas maraming kikitain. Huwag mong palagpasin ang araw na ito dahil maganda ang takbo ng iyong negosyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-14-17-20-25-31-36.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ngayong buwan, mapapansin mo na sumasaya ka. Ito ay paunang pahiwatig na ang mga suwerte mo ay tuloy-tuloy at walang awat na darating sa iyo nang hindi mo pinaghihirapan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-19-23-26-40-42.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi ka puwedeng magpatalo sa negatibong kaisipan. Sa mundo ng pantasya, naru’n din ang mga nakakatakot na nilalang, pero ang nagwawagi ay ang mga nasa panig ng kabutihan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-10-12-27-39-45.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page