Horoscope | August 29, 2022 (Lunes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Agosto 29, 2022
Sa may kaarawan ngayong Agosto 29, 2022 (Lunes): Hindi ka mauubusan ng mga suwerte dahil hindi lingid sa kaalaman ng langit ang pagkakaroon mo ng mabuting kalooban. At dahil nagtataglay ka ng mabuting kalooban, bubuhusan ka ng mas maraming biyaya.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Binabalaan ka ng kapalaran na maaaring talunin ka ngayon ng iyong emosyon kung saan masisira ang diskarte mo sa buhay. Kaya sa halip na damdamin, isip ang gamitin mo upang hindi masira ang iyong diskarte. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-11-18-20-24-28-31.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ipanatag mo ang iyong loob. Hindi mangyayari ang mga negatibong bagay na nasa isip mo at hindi rin hahayaan ng langit na mawala sa iyo ang magagandang kapalarang dumapo sa buhay mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-14-22-26-30-34-35.
GEMINI (May 21-June 20) - Kung ano ang unang plano mo, gawin mo. Hindi makakabuti kung babaguhin mo ito dahil ang anumang pagbabago ng isip ay hindi makakabuti para sa iyo ngayon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-10-15-21-23-39-40.
CANCER (June 21-July 22) - Iyung-iyo ang araw na ito. Hinihintay na ng langit ang kahilingan mo. Hindi mo na kailangan pang habaan at lagyan ng dekorasyon ang iyong mga hiling. Sa simpleng paghingi at panalangin, agad na matutupad ang mga ito. Masuwerteng kulay- peach. Tips sa lotto-2-19-29-30-36-38.
LEO (July 23-Aug. 22) - Bumaba ka dahil mataas ka. Mas pinapaboran ng langit ang nagpapakumbaba at may mababang kalooban kaysa sa mga nagmamataas. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-12-31-33-38-45.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Puso ang susundin mo kahit tutol ang iyong isip. Dahil hindi palaging totoo na ang isip ng tao ay kanyang pinakikinggan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-13-18-27-34-41-43.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Bakit ka susunod sa payo ng iba? Kung ano ang bulong ng damdamin mo, ‘yun ang pakinggan mo. Higit kaninuman, ikaw ang may alam kung paano ka liligaya. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-8-22-25-39-40.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Aalalayan ka ng langit sa mga bagay na hindi mo kakayanin kung mag-isa ka lang. Mas magandang gawin mo ngayon ang mga bagay na hirap na hirap kang isagawa dahil sa tulong ng nasa itaas, ito ay tiyak na mapagtatagumpayan mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-15-20-23-31-36-38.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Pakinggan mo ang opinyon ng malalapit sa iyo. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay nasa tama ka at ang iba ay nasa mali. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-16-25-32-35-44.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi ka dapat maduwag at panghinaan ng loob ngayon dahil mismong langit ang magpapatakbo sa buhay mo. Dahil langit ang magpapatakbo ng buhay mo, tiyak na ang iyong pagwawagi. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-11-14-27-36-43.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mong ipilit ang para sa iyo. Mas maganda na makisakay ka muna sa kagustuhan ng iba. Sa ganitong paraan, maiiwasan ang hindi pagkakaunawaan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-17-20-24-28-30-31.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Talo mo ang iyong mga karibal. Pero huwag kang lantarang lumaban. Hayaan mo lang sila, pero kapag napalaban ka, ikaw pa rin ang tiyak na mananalo at hindi sila. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-18-21-25-28-34-42.




Comments