Horoscope | August 28, 2024 (Miyerkules)
- BULGAR

- Aug 28, 2024
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | August 28, 2024

Sa may kaarawan ngayong Agosto 28, 2024 (Miyerkules): Kabilang ka sa mapapalad na nilalang. Ang iba ay kailangan pa ng todong pagsisikap, pero kahit hindi ka gaanong magsikap, kusang gaganda ang iyong buhay.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hanapin mo ang saya dahil kapag masaya ka, mas bumibilis ang iyong pag-asenso. Layuan mo ang mga taong malulungkot, dahil baka magaya ka lang sa kanila. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-27-30-35-41-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Dadalawin ka ngayon ng iyong suwerte. Ito ay literal na nagsasabing, ang taong papasyal sa iyo ang panggagalingan ng mga suwerte mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-18-24-28-34-38.
GEMINI (May 21-June 20) - Nakaatang sa iyong balikat ang pagpapasya ng mga tao. Maghanda ka at palakasin mo ang iyong sarili. Gayundin, ang madalas na pagsasanay, kahit kailan ay pinakamahusay na preparasyon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-20-29-35-39-42.
CANCER (June 21-July 22) - Hindi ka dapat maapektuhan ng malungkot na buhay ng isang malapit sa iyo. Iwasan mong maging emosyonal dahil ang bugso ng damdamin ay hindi makakabuti sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-16-17-26-31-32.
LEO (July 23-Aug. 22) - Makibahagi ka sa mga proyektong magpapasaya sa mga kabataan. Ito ang isang utos mula sa langit na kapag iyong nasunod ay susuwertehin ka. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-18-20-23-39-44.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nagdaratingan ang magagandang kapalaran sa buhay mo. Manatili kang positibo at may tiwala sa iyong sarili. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-19-21-27-31-36.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mamahaling hiyas ang katumbas mo ngayon. Marami ang maghahangad na maging bahagi ka ng kanilang buhay dahil inspirasyon ang hatid mo sa lahat. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-15-16-22-25-37.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kahit parang tinatamad ka, gaganda pa rin ang takbo ng iyong buhay. Ganito ang pagmamahal sa iyo ng langit kung saan hindi ka Niya iiwan, kahit pa may mga pagkukulang at kahinaan ka. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-14-25-33-35-45.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kunin mo ang kaya mong kunin. Damputin mo ang kaya mong damputin. Ang mga suwerte ay lalagay sa iyong harapan at ito ay mapapasaiyo kung iyong tatanggapin at aangkinin. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-12-17-23-30-38.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Higpitan mo ang iyong hawak sa mga bagay na nasa iyo na. Hindi ka dapat matulad sa marami na nagsasayang dahil lang gustong magsaya. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-6-11-16-22-27-30.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang masiyahan. Kunin mo pa rin ang suwerteng nagdaratingan. Bakit ka makikinig sa sinasabi ng iba na dapat ay makuntento ka? Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-17-20-24-26-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung sino ang masayahin, siya mismo ang iyong suwerte. Simpleng dumikit ka sa kanya para buwenasin ka. Gawin mong bahagi siya ng buhay mo at tiyak na gaganda ang iyong kinabukasan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-18-21-25-28-31.





Comments