top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Horoscope | August 28, 2022 (Linggo)

BULGAR
Aug 28, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Agosto 28, 2022


Sa may kaarawan ngayong Agosto 28, 2022 (Linggo): Ibahagi mo sa mga tao ang ilang biyaya na kaloob sa iyo ng langit. Ito ang sikreto ng iyong kapalaran, na siyang dahilan kaya madalas kang sinusuwerte.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kikilos ang langit para pagaanin ang iyong mga pasanin. Ang mga hadlang sa plano mo ay isa-isa ring aalisin. Palagi kang magpasalamat sa itaas upang lalong dumami ang mga suwerte mo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-3-18-28-30-33-41.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi naman mahirap magkaroon ng sigla ang iyong buhay. Makipagkuwentuhan ka lang sa mga taong masayang umaasenso. Ito ang kailangan mo ngayon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-19-22-25-34-37-42.

GEMINI (May 21-June 20) - Dagdag na kilos lang naman ang kailangan mo na magbubunga rin ng dagdag na kita. Pero ang dagdag na puhunan ay hindi mo muna dapat gawin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-11-15-17-24-28-35.


CANCER (June 21-July 22) - Magbilang ka. Ngayon ang panahon para bilangin ang mga napasaiyo. Sa huli, matutuklasan mo na mas matimbang ang mga biyayang sumaiyo kaysa sa mga reklamo mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-16-22-23-31-38-44.

LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag mong papasukin sa iyong isip ang mga negatibong pananaw. Mas maganda na balik-balikan mo ang iyong masasayang naranasan. Ito ang sikreto ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-18-29-39-40-42.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Talas ng isip ang gamitin mo ngayon. Huwag kang pumayag na ang kawalan ng pag-usad o pag-unlad ng buhay ang iyong mararanasan. Sa talas ng iyong isip, mabilis na gagalaw ang buhay mo upang ito ay mapaunlad nang husto. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-14-19-21-24-36-32.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Namamahinga rin sa pag-ikot ang gulong ng kapalaran para magkaroon ng malakas na buwelo. Ibig sabihin, ang mga suwerte mo ay kumukuha lang ng buwelo, ngunit sa susunod na mga araw, malalaking mga suwerte ang mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-11-15-29-38-43.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi ka dapat magmukmok sa panahon ng matumal na negosyo. Sa ganitong araw, nabibigyan ka ng pagkakataong maglinis at mag-ayos ng puwesto. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-10-19-21-25-28-33.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Bumabagsak ang sobrang mapagmataas. Ito ang iyong masasaksihan na tatanim sa iyong alaala nang hindi mo maranasan ang nasabing mapait na kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-16-27-31-36-42.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nag-aabang sa landas ng buhay na iyong nilalakaran ngayon ang magagandang kapalaran. Magpatuloy ka sa dati mo nang nilalakad at dapat ay magmadali ka. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-14-20-38-40-45.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Bilis ang iyong kailangan. Ito ang sikreto ng kapalaran nang hindi ka masingitan ng mga negatibong puwersa. Ang pagiging mabagal ay hindi makakabuti sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-17-18-27-30-35-41.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Iaangat ka ng isang tao nang sa gayun ay maabot mo ang iyong pangarap. Ito ay sa dahilan na kung sarili mo lang ang iyong aasahan, matatagalan pa ang iyong pag-asenso. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-19-21-28-22-26-43.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page