top of page
WINNER - SEN. ROBIN, IPINAGDIINANG DDS SI JOSHUA-FB Robin Padilla.jpg

Horoscope | August 25, 2022 (Huwebes)

  • BULGAR
  • Aug 25, 2022
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Agosto 25, 2022


Sa may kaarawan ngayong Agosto 25, 2022 (Huwebes): Sa malalayo magmumula ang mga suwerte mo, pero hindi ibig sabihin nito na wala kang suwerte sa malapit. Gayundin, ito ay nagsasabi na saanmang lugar, sa panahong ito ng iyong buhay, lalo kang susuwertehin.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Nahahadlangan ba ang kabiguan? Kung mananatili kang lumalaban, hindi puwedeng sabihin na ikaw ay bigo na. Ito ang panatilihin mo sa iyong isip dahil ito rin ang payo ng iyong kapalaran – ang patuloy kang lumaban. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-19-20-26-33-38-42.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kung sino ang mahina, siya ang dapat tulungan. Mahina ka ngayon, kaya ikaw ang nangangailangan ng tulong. Langit ang tutulong sa iyo. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-11-17-20-21-26-35.

GEMINI (May 21-June 20) - Hinahon ang nagdadala ng kapayapaan. Itinuturo rin nito ang mga nararapat na ikilos. Huminahon ka nang sa gayun, ang mga pangyayari ay pumabor sa iyo. Ito ang payo ng kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-12-13-19-24-25-34.


CANCER (June 21-July 22) - Masuwerte ka. Dapat alam mo kung ano ang gagawin ng taong sinusuwerte. Kung alam mo, gawin mo na ngayon at ‘wag kang mag-alinlangan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-11-17-23-25-34-37.


LEO (July 23-Aug. 22) - Sobrang malakas ang iyong karisma ngayon. Hawakan mo nang mabuti ang iyong sarili at maging matibay ka. Kung makakasira sa buhay mo, huwag mong pansinin ang magkakagusto sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-14-15-17-23-27.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Masyadong malayo ang nararating ng isip mo. Awatin mo ang iyong sarili na mag-isip nang malayo sa reyalidad. Alam mo ito kaya bumalik ka sa kung ano lang ang totoo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-11-18-20-25-33-38.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ngayong nalulungkot ka, ihip ng sariwang hangin ang kailangan mo. Subukan mo at magugulat ka dahil ikaw ay biglang sasaya. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-11-17-21-24-38.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Simple lang ang pormula ng tagumpay. Gawin mo ang ginawa ng mga nagtagumpay na. Ang huwag mong gagawin ay ang mag-eksperimento ng bagong ideya. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-17-22-29-30-31-32.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Masuwerte ngayon ang may inaalagaang hayop na pambahay. Pakitaan mo ang mga alaga mong hayop ng espesyal at makakaasa ka na ikaw ay bubuwenasin. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-18-22-25-28-36-40.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang babalik sa nakaraan. Pagmasdan mo ang iyong sarili, gayundin ang mga kapwa mo. Ano ang nakikita mo, hindi di ba’t hindi naman sila kundi ikaw ang nasa harapan? Ibig sabihin, dapat ay palagi kang papasulong sa hinaharap. Masuwerteng kulay- white. Tips sa lotto-19-21-24-26-37-41.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kung sino ang minsang nakatulong sa iyo, siya ay muling tutulong. Huwag ka nang lumapit sa mga alam mong nagtatago at hindi nakikita kapag nangangailangan ka. Ito ang paalala ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-11-17-29-35-38.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Muli kang susuwertehin. Pero may kondisyon na nagsasabing, iwasan mong makasakit ng damdamin. Magsalita ka nang mahinahon. Ito ang mensahe sa iyo ng kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-19-20-21-26-32.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page