top of page
Search
  • BULGAR

Horoscope | August 18, 2022 (Huwebes)

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Agosto 18, 2022


Sa may kaarawan ngayong Agosto 18, 2022 (Huwebes): Tiyak na ikaw ay yayaman dahil ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang. Muli, ikaw ay yayaman.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iyung-iyo ang araw na ito, kaya gawin mo na kung ano ang gusto mo. Wala kang aalalahanin mula sa langit dahil binigyan ka ngayon ng kalayaan na magawa ang anumang gusto mo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-15-21-29-30-34-41.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Tapang lang naman ang kailangan mo para masimulan ang mga proyektong magpapaganda sa buhay mo. Maging matapang ka at ikaw ay tiyak na susuwertehin at yayaman. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-22-24-28-39-42.

GEMINI (May 21-June 20) - Hawakan mo nang mahigpit ang iyong sarili dahil ang sugod nang sugod ay kadalasang nadadapa, habang ang maingat ay naitatama. Muli, hawakan mo nang mahigpit ang iyong sarili ngayon upang hindi ka sumablay at madapa. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-16-25-27-38-40.


CANCER (June 21-July 22) - Huwag mong ipahalata na ikaw ay mahina. Magkunwari kang malakas at kaya mo ang mga problema. Magugulat ka dahil tiyak na ito ay iyong makakaya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-11-19-20-25-34.

LEO (July 23-Aug. 22) - Nakahanda na ang lahat para masimulan mo na ang paglalakbay papunta sa dulo ng iyong malalaking pangarap. Lakasan mo ang iyong loob, ito na lang ang kailangan mo at tiyak na ang iyong pagwawagi at tagumpay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-14-24-26-33-39-41.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Biglaan ang pagdating ng lakas ng loob mo. Maging ikaw ay magugulat dahil parang itinutulak ka na gawin mo na ang iyong pinag-alinlanganan simula ngayon. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-14-20-28-30-31-32.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong talikuran ang iyong mga obligasyon. Kahit medyo mahirap, gawin mo pa rin ito. Darating sa iyo ang alalay ng langit na sobra pa sa kailangan mo kapag ikaw ay positibo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-15-21-25-27-30-33.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Babanat ang langit at hindi makakaporma ang mga lihim na naghahangad na mabigo ka. Sa pagkilos ng langit, gaganda ang takbo ng iyong buhay at ikaw ay sobrang makikinabang. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-13-20-24-27-31-35.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mawawala ang makakapal na ulap sa iyong kapalaran, kaya maitutuloy mo na ang magagandang nasa isip mo na pansamantalang naantala. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-11-18-27-30-32-34.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hinihintay lang ng langit ang pasya mo kung ikaw ay desididong lumipat sa bagong hanapbuhay. Huwag kang mag-alala sa pasya mo dahil ang nasa itaas ang bahala sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-15-17-22-25-34-42.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mabilis na kasing bilis ng humaharurot na sasakyan ang pagdating ng mga suwerte mo at ang lahat ay magugulat, mamamangha at hindi makakapaniwala. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-18-19-28-38-39.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kasing lawak ng karagatan ang iyong mundo ngayon. Ibig sabihin, hindi ka mauubusan ng mga oportunidad na magpapaganda ng buhay mo. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-10-24-25-37-42.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page