top of page
Search
  • BULGAR

Horoscope | August 16, 2022 (Martes)

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Agosto 15, 2022


Sa may kaarawan ngayong Agosto 16, 2022 (Martes): Malikhaing kaisipan ang regalo ng iyong kapalaran, na magagamit mo sa pagpapaunlad ng iyong buhay at maging sa pagpapayaman.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Maraming aral sa buhay ang iyong natutunan. Huwag mo itong kakalimutan dahil puwede mong magamit ang mga ito sa ibang araw. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-11-19-20-24-27-33.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Lumayo ka sa hindi nagpakatotoo sa iyo. Huwag mong sayangin ang mga oras, araw at panahon mo sa mga taong akala mo ay totoo sa iyo. Muli, lumayo ka sa mga pakitang-tao. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-12-15-28-37-42.

GEMINI (May 21-June 20) - Pansamantala lang ang kabiguan. Sa kabiguan, may natutunan at may maitutulong sa muling pagbabalik ng ikot ng kapalaran, maliit ang tsansa na ikaw ay mabigo pa. Ito ang iyong tandaan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-16-17-22-25-35-38.

CANCER (June 21-July 22) - Tapos na ang laban, walang sisihan. Hintayin mong muli ang isa pang paglalaban at gawin ang lahat ng puwedeng gawin. Sa ganitong paraan, tiyak na ang iyong pagwawagi at tagumpay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-10-15-16-29-30-34.

LEO (July 23-Aug. 22) - Ngayon ay alam mo na ang labis na tiwala ay masama. Kaya sa uulitin, dapat pagbutihin at paghandaan. Ang isa pang dapat gawin ay maging alerto ka sa bawat sandali. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-17-24-26-35-39-40.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Marami ang nalulungkot, pero mas marami ang nagsasaya. Ito ang aral sa buhay na dapat mong malaman — ikaw ay dapat mapabilang sa nagsasaya. Kapag ganito ka, sasaya at patuloy na gaganda ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-10-18-20-21-23-38.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ang talo ay talo. Ang panalo ay panalo at pagkatapos ng lahat, dapat ay magkasundo na ang naglalaban. Mahirap gawin pero ito ay magagawa rin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-11-15-21-29-32.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Tuloy ang laban, lalo na kapag ang ipinaglalaban ay kapakanan ng mahihirap. Hindi hadlang ang nabigo para hindi na muling sumubok. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-15-18-20-33-37-41.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nabibigo ang hindi naghahanda. Kaya bago ka lumaban, paghandaan mo ang mga kailangang paghandaan. Sa pakikipagpasalaran, aangat sa labanan ang naghanda. Ito ang mensahe sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-19-26-28-30-35-41.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Minsan, hindi nakukuha ang tagumpay sa unang laban. Madalas, ang panalo ay nasa muling tumatayo para lumaban. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-14-19-22-29-34.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Talo ang kinakapos ng galaw. Kaya sa susunod, dapat ay hindi ka kakapusin sa lakas. Kumilos ka at palakasing mabuti ang anumang binabalak mong proyekto. Ito ang nagbibigay ng garantiya sa iyong panalo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-16-19-20-24-28-39.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung nagamit ang nasa malayo, hindi matatalo. Sa digmaan, ang pagdating ng nasa malayo ay ang nagpapanalo. Huwag mo itong kalilimutan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-16-18-28-38-39-42.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page