Horoscope | August 13, 2022 (Sabado)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Agosto 13, 2022
Sa may kaarawan ngayong Agosto 13, 2022 (Sabado): Tumulong sa kapwa ang misyon mo sa mundo at bibiyayaan ka ng langit dahil dito. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Susubukan ng langit kung mahaba ang iyong pasensya sa kapwa mo na nagkamali nang hindi nila sinasadya. Huhusgahan ka kung huhulugan ka ba ng mga grasya o hindi. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-11-18-29-30-36-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi umaagos ang tubig kapag barado ang kanal. Nakabara ang ilang negatibong pananaw na nasa isip mo, kaya naaantala ang pagdating ng iyong magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-16-20-22-28-39-41.
GEMINI (May 21-June 20) - Dinadagdagan ang kapos at kulang. Dagdagan mo nang kahit kaunti ang iyong puhunan nang sa gayun ay malagpasan mo ang umiiral na panahon ng mabagal na takbo ng negosyo. Pero matapos nito, tuloy-tuloy nang dadami ang iyong kabuhayan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-15-29-31-32-35.
CANCER (June 21-July 22) - Nagpaparaya ang nakakaunawa. Habaan mo ang iyong pang-unawa nang hindi na lumala ang mga problema na sisira sa matagal na pagsasama. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-14-22-25-33-37-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Nagkakabangaan ang magkatapat. Sa ngayon, ang katapat mo ay makakaharap mo at sa paglalapit n’yo, magiging isa na lang kayo. Ito ang hiwaga ng kapalaran na dapat mong maunawaan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-13-20-23-31-39-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nakukuha sa mabuting usapan ang mga hindi pinagkakaunawaan. Ang pinakamahalaga ay ang nag-usap na bukas ang isip mo ngayon at handang maghanap ng solusyon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-18-21-28-34-40-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kapag kailangang huminto, huminto ka. Huwag mong ipilit na ituloy ang walang pag-asa na maayos pa. Mas makakabuti sa iyo na ang katotohanan ay iyong matanggap. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-19-21-24-29-32-38.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ito ang araw na magsisimula ang pagdating ng iyong suwerte. Isa lang ang dapat mong gawin, ‘wag kang kokontra at mag-iisip ng negatibo, sa halip, ituon mo ang iyong isip sa magaganda at masasayang bahagi ng buhay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-15-18-26-27-34-42.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kahit kailan, tinatalo ng pag-ibig ang galit. Ito ang isabuhay mo nang sa gayun ay pagmamahalan ang mamagitan sa nag-aaway. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-10-11-17-21-26-35.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nangyayari ang hindi puwedeng mangyari, sapagkat mahiwaga ang mundo. Ganundin ang iyong kapalaran, akala nila ay hindi ka yayaman, pero ito ay unti-unti nang magaganap ngayon. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-6-14-29-39-40-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Malakas, nakakainis at maingay. Para mapanatag ka, ang payo ay nagsasabing, huwag kang dumikit sa mga kilala mong palasalita na wala namang nagagawa. Ito ang paalala ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-19-22-25-27-30-33.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung ayaw pang pumabor sa iyo ng kapalaran, hayaan mo lang. Hindi dapat hutukin ang sariwang kahoy dahil ito ay mababali lamang. Hindi ka dapat mainip dahil kapag para sa iyo, kahit hindi ka maghirap, ipagkakaloob ito ng nasa itaas. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-18-21-23-24-37-40.




Comments