top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Horoscope | August 10, 2022 (Miyerkules)

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 10, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Agosto 10, 2022


Sa may kaarawan ngayong Agosto 10, 2022 (Miyerkules): Kabilang ka sa ilan na likas na masuwerte. Ang dahilan kaya marami ang naiinggit sa iyo ay hindi sila tulad mong pinagpala.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Dagdag na suwerte ang mapasasaiyo kapag natagpuan ka ng langit na masaya at hindi naaapektuhan ng mga taong gusto na bumagsak at mabigo ka. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-11-19-23-28-30-33.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kung ano ang kaya mo, ‘yun lang ang gawin mo. Huwag kang tumulad sa iba na sobrang ambisyoso na sa huli ay nabibigo at nasasaktan lang. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-17-21-27-32-35-41.


GEMINI (May 21-June 20) - Kumilos ka na parang ikaw ay nanalo at ito ay magkakatotoo. Dahil ngayon, kung ano ang ikikilos mo, ‘yun ang mangyayari sa iyo. Ito ang masuwerteng balita para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-18-20-25-26-35-38.

CANCER (June 21-July 22) - Magpapatuloy ang malakas mong kutob. Puwedeng anumang sandali ay makutuban mo kung sino ang mananalo at talunan. Ito ang ibinabalita ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-olive green. Tips sa lotto-11-19-29-31-32-39.

LEO (July 23-Aug. 22) - Huminto ka muna at suriin mo ang iyong sarili. Hindi puwede na magpatuloy ka sa sobrang paggasta na parang hindi mo alam kung hanggang saan ang iyong kaya. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-14-22-25-26-36-41.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ang dagdag na kilos ay dagdag na pakinabang. Ito ang ilagay mo sa iyong isipan dahil ito ang magdadala sa iyo sa mabilis na pagpapayaman. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-apple green. Tips sa lotto-16-25-28-30-33-37.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang tumingin sa masakit sa mata at lumayo ka rin sa nakakairita. Gawin mo dahil ito ang isa sa susi upang mabuhay sa kaligayahan at kung paano susuwertehin. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-17-20-21-24-26-39.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Gamitin mo ang iyong kakayahan na maakit ang gusto mong akitin. Dati mo na itong ginawa at nakuha mo ang iyong gusto. Puwede mo itong gamitin sa iyong negosyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-8-12-14-25-27.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nagbabalik ang saya mo. Samantalahin mo ito dahil kapag masaya ang tao, siya ay nilalapitan ng suwerte at kakaibang buwenas. Kaya puwedeng-puwede kang makipagsapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-14-15-22-29-30.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Magpaturo ka sa may alam. Huwag kang mangahas sa isang bagay na hindi sapat ang iyong kaalaman. Nabibigo ang sobrang malakas ang loob at tiwala sa sarili. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-16-20-21-24-26-28.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Dahan-dahan lang. Nakakalagpas ang magagandang oportunidad sa sobrang nagmamadali na kumikilos at parang mauubusan ng oras. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-12-21-27-37-38-41.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ituloy mo ang pagiging abala sa gustong-gusto mong proyekto, pero isingit mo ang ilang sandali ng pamamahinga. Ito ang paalala ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-11-15-16-20-25-27.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page