Horoscope | August 03, 2021 (Martes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| August 03, 2021
Sa may kaarawan ngayong Agosto 3, 2021 (Martes): Wala kang dapat ipag-alala dahil mismong kapalaran mo ang gagawa ng paran upang umangat ka sa mas matatas na kalagayan.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi ka dapat makuntento dahil kapag nakuntento ka, hindi ka na uunlad pa. Kumilos ka nang kumilos hanggang sa yumaman ka nang todo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-19-20-24-39-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ngayon magbubunga ang mga pagsisikap mo sa nakaraan, pero hindi ka dapat huminto sa pagsisikap. Sa halip, gawin mong inspirasyon ang mga bunga ng paghihirap. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-20-28-33-35-45.
GEMINI (May 21-June 20) - Ikaw lang naman ang nagbabawas sa mga suwerte mo dahil madalas ay tinatalo ka ng saya, kaya maraming bagay ang nasa sa iyo na pero nawawala pa. Ito ay dahil nagagamit mo pa sa sariling paghahanap ng saya at ligaya. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-10-16-25-35-42.
CANCER (June 21-July 22) - Dahil mahiyain ka, ididikit ka ng langit sa mga puwede mong pakinabangan o sila na may mga sinasabi at may kaya sa buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-17-29-30-35-38-43.
LEO (July 23-Aug. 22) - Huhusgahan ka ngayon ng langit. Ang masayang balita ay nagsasabing ang hatol sa iyo ay nasa mga salitang tama ka at mali ang mga naninira sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-15-20-24-25-34-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Dagdagan mo ang kulang at bawasan ang sobra. Kulang ka sa lakas ng loob, habang sobra ka sa pag-aalinlangan. Ngayong alam mo na ang kalagayan mo, dapat ay maisaayos mo na ngayon ang iyong sarili. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-18-21-28-39-40.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mabibigo at malulungkot ang taong may pagtigin sa iyo kapag siya ay iniwasan mo. Dahil ang totoo, ayon sa kanya, ikaw ang kanyang inspirasyon. Ikaw ang kanyang saya at ligaya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-19-23-27-38-40-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi masaya ang nabubuhay nang mag-isa. Huwag mo nang ipilit pa ang iyong paniniwala. Kaya lang naman sinasabi mong ikaw ay masaya dahil tahimik ang buhay mo ngayon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-11-14-24-26-33.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hawak mo ngayon ang iyong kapalaran. Ang pribilehiyong ito ay ibinibigay lang ng langit sa mga tulad mong may ambisyon sa buhay. Huwag mong sayangin, ito ay iyong gamitin. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-12-27-31-32-37.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Tumingin ka at pag-aralan mo ang mga angat na at papaangat pa ang buhay. May makukuha kang kakaibang paraan para ang buhay mo ay umangat din tulad niya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-26-29-30-33-43-46.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mong sayangin ang hawak mo na. Minsan, ang pagsasaya ay magandang ipagpaliban muna at paramihin ang hawak mo na. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-14-18-21-24-30-37.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nakatutuwa ang kapalaran mo. Wala ka namang ginagawang anuman, ngunit kung mayroon man, ito ay kulang para buwenasin ka, pero tiyak na ikaw ay susuwertehin ngayon na. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-10-14-23-36-41.




Comments