top of page
WINNER - MALE FAN, NAG-PROPOSE KAY ALEX EALA SA HARAPAN NG PADIR_FB Alex Eala.jpeg

Horoscope | Agosto 28, 2026 (Biyernes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 days ago
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | August 28, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Agosto 28, 2026 (Biyernes): Hindi ka pababayaan ng iyong kapalaran. Sa katunayan, walang patid ang pagdating ng mga suwerte mo.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Palakihin mo ang munting suwerte na nasa iyo. Gawin mo iyon tulad ng isang maliit na binhi na balang-araw ay magiging isang malaking bungang-kahoy na hitik na hitik sa bunga. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-13-19-24-39-45.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Magsaya ka kahit may problema ka, dahil walang karapatan ang mga problema na hadlangan ang kaligayahan mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-11-17-29-34-38.


GEMINI (May 21-June 20) - Lumalakas ang tao kapag nakakapagpahinga. Kaya magpahinga ka muna, at huwag mong panghinayangan ang mga nakikita mong magagandang bagay. Ang mahalaga ay nakakapagpahinga ka. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-14-25-28-31-44.


CANCER (June 21-July 22) - Tumulong ka sa mga taong humihingi ng tulong. Huwag mo munang unahin ang sarili mo. Sa ganitong paraan, hahanga sa iyo ang langit at pagkakalooban ka ng mga nakamamanghang suwerte. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-16-18-26-38-43.


LEO (July 23-Aug. 22) - Hayaan mo lang ang mga kaganapan na parang prusisyon na dumaan sa iyong harapan. Itahimik at ipanatag mo lang ang iyong kalooban. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-10-25-30-35-42.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Bilis ang susi upang patuloy kang magwagi. Anuman ang iyong ginagawa, bilisan at tapusin mo agad ito. Kapag ganito ang iyong ginawa, mas maraming suwerte at magagandang kapalaran ang patuloy na darating sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-11-15-21-28-35.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Pagmasdan mo ang lahat nang may pag-ibig sa iyong mga mata. Ito ang sikreto upang gumanda ang kapalaran mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-12-20-24-31-37.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hahadlangan ng langit ang mga hindi magagandang bagay na maaaring sumaiyo. Ang papayagan lamang na mapasaiyo ay ang mga bagay na labis na magbibigay sa iyo ng ligaya. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-18-22-30-34-43.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ituloy mo lang ang gusto mo kahit pa may mga kontrabida sa buhay mo. Noon pa man, pagdating sa huli, ang kagustuhan mo ay mas tama kaysa sa kanilang paniniwala. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-6-17-23-32-35-41.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Napapahiya ang nagbubuhat ng sariling upuan dahil siya ay ibabalik sa hulihan, habang ikaw naman na ayaw makialam ay bubuhatin ng langit at ilalagay sa upuan na nasa unahan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-16-26-33-38-45.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hayaan mo lang ang mga ayaw maniwala sa iyo, pero kapag dumating na ang nakatakdang buwenas mo, huwag mo pa rin silang kalilimutan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-12-18-32-36-40.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Walang magandang napapala ang pagdududa. Kaya magtiwala ka sa sarili mo at makikita mo na dahil sa pagtitiwala mo sa sarili mo, magtutuluy-tuloy ang iyong buwenas. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-10-14-23-30-42.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page