Horoscope | Agosto 15, 2026 (Sabado)
- BULGAR

- 5 days ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | August 15, 2026

Sa may kaarawan ngayong Agosto 15, 2026 (Sabado): Hindi mo na kailangan mangibang-bansa upang gumanda ang buhay mo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Noon pa man, lumalapit na sa iyo ang mga suwerte. Sa mga araw na ito, muli kang lalapitan ng magagandang kapalaran kahit kulang ka sa pagkilos. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-17-22-28-34-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Iyung-iyo ang araw na ito at ang mga araw na darating. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-6-10-18-23-39-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Napapaligiran ka ng mga tukso, at aminin mo man o hindi, malakas ang dating sa iyo ng ilang tukso na noon pa man ay nagpaparamdam na sa iyo. Gayunman, magpakatatag at magpakatibay ka. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-11-15-24-27-30.
CANCER (June 21-July 22) - Ito ang araw na kakampihan ka ng langit. At dahil kakampi mo ang langit, lahat ng binabalak at pinaplano mo ngayon ay isa-isa nang magkakatotoo, mangyayari at matutupad. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-16-25-28-33-40.
LEO (July 23-Aug. 22) - Mahina ka sa ngayon, lalo na sa mga nagpapakita sa iyo ng kabaitan kahit ang kanilang kabaitan ay pakitang-tao lamang. Ang payo ay nagsasabing makinig ka sa sinasabi ng mga kaibigan mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-17-19-21-30-35.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Minsan, bumababa ang hari sa trono at ang pinauupo ay pangkaraniwang tao. Ngayon, aangat ang pangkaraniwan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa kasalukuyan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-12-20-26-35-40.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Gawin mo anumang gusto mong gawin. Binabantayan ka ng langit at ang mga sasalungat sa iyo ay makakaranas ng hindi magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-11-16-23-39-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang mag-isip ng negatibo dahil kung ano ang laman ng isip ay kadalasang nangyayari sa tunay na buhay. Kaya mas maganda kung mag-iisip ka ng positibo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-17-20-27-38-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Walang mararating ang walang pangarap. Kaya mangarap ka nang mangarap upang malayo ang iyong marating. Ang ibig din sabihin nito, sa malapit na hinaharap, totodo ang yaman mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-14-19-22-24-32.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Bakit hindi mawala ang takot mo gayung nadarama mo namang gumaganda nang gumaganda ang kapalaran mo? Tiwala lang ang kailangan mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-15-21-25-36-44.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Minsan, malikot ang kapalaran na mahirap matukoy kung ano ang kahihinatnan. Ipanatag mo ang iyong sarili. Sa iyo pa rin naman dadapo at maninirahan ang mga magagandang bagay dahil matagal nang inilaan ng langit na tuluy-tuloy kang susuwertehin, kasabay ng tuluy-tuloy na pagbuhos ng ulan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-16-28-31-33-42.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi natitinag ang malakas kaya palalakasin ka ngayon ng langit upang maging matatag ka laban sa mga hamon ng iyong kapalaran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-12-26-30-37-42.



Comments