top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Horoscope | Agosto 12, 2020 (Miyerkules)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 12, 2020
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| August 12, 2020



Sa may kaarawan ngayong Agosto 12, 2020 (Miyerkules): Mamamahala at mamumuno ka dahil ito ang dahilan kaya ka nilikha. Pagbutihin mo ito at ang pagmamahal sa mga nasa ibaba ay huwag mong kalimutan.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mawawala sa tabi mo ang mga pahirap sa iyong buhay. Ang mga problema ay gagaan para mapabilis ang iyong pag-unlad kahit ang panahon ay hindi maganda para sa negosyo. Masuwerteng kulay-black.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi ka kapos sa galing at husay, kaya lang, minsan ay kinakapos ka sa tapang at lakas ng loob. Kapag nasolusyunan mo na ito, mas mayaman ka pa sa mayamang iyong huwaran. Masuwerteng kulay-violet.

GEMINI (May 21-June 20) - Bawasan mo ang pag-iisip, lalo na ang paghahanap ng mga dahilan kung bakit nangyayari ang isang bagay. Ang mga ito ay hadlang para makakilos ka nang mabilis sa iyong tagumpay. Masuwerteng kulay-peach.

CANCER (June 21-July 22) - Magpatulong ka kapag hindi mo kaya. Hindi masama ang magpatulong dahil ang lahat ay nangangailangan din ng tulong. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-red.

LEO (July 23-Aug. 22) - Balansehin mo ang iyong damdamin at hangarin mong umunlad pa. Ang awa ay ilagay mo sa tama dahil hindi lahat ng nagmamakaawa at mukhang kaawa-awa ay totoong nakakaawa. Masuwerteng kulay-brown.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Talas ng isipan ang maglalapit sa iyo sa mga suwerte. Bilis naman ng pagsunggab ang magbibigay sa iyo ng mga suwerte. Hindi ka dapat mabigo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kilalanin mo nang husto ang bawat magpapakita sa iyo ng maganda. Ang mga mandaraya at may masamang motibo ay mahusay magpakita ng maganda. Masuwerteng kulay-green.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Unang inaalis ang unang dumating. Ito ang pormula kung paano mananatiling bago ang iyong paninda. Isabuhay mo ito nang sa gayun ay manatili ang iyong mga suki at parukyano. Masuwerteng kulay-yellow.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Iyung-iyo ang araw na ito. Hinihintay na ng langit ang iyong mga kahilingan, kaya huwag mo na itong lagyan pa ng kung anu-anong dekorasyon. Hiling na! Masuwerteng kulay-purple.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mo nang buhayin ang namatay na tulad ng pagmamahal sa matagal nang patay. Ang kadalasang pagkakamali ng tao ay hindi natanggap na tapos na ang nakaraan. Masuwerteng kulay-pink.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Papaboran ng mga nakahihigit at matataas ang puwesto kaysa sa iyo. Samantalahin mo ang pagkakataon dahil malalaking pakinabang ang nakaumang sa iyo. Masuwerteng kulay-beige.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nagdaragdag ng kaalaman ang nagtatanong kaya magtanong ka. Huwag kang mahiyang magtanong dahil sa pagtatanong, ang buhay ay papasulong. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page