top of page
WINNER - SEN. ROBIN, IPINAGDIINANG DDS SI JOSHUA-FB Robin Padilla.jpg

Horoscope | Abril 6, 2022 (Miyerkules)

  • BULGAR
  • Apr 6, 2022
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Abril 6, 2022


Sa may kaarawan ngayong Abril 6, 2022 (Miyerkules): Kung ano ang ikagaganda ng buhay mo, ‘yun mismo ang ikikilos ng kapalaran mo kahit hindi mo pa gaanong alam kung ano ang gagawin mo sa buhay.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong pansinin ang mga naghahangad na mabigo ka. Hindi nila kayang hadlangan ang pagkakaroon mo ng magagandang kapalaran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-19-20-26-34-42.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mangulit ka. Kulitin mo ang langit at makikita mo na ang langit ay sumusuko sa taong mapagpilit. Gawin mo ito, sapagkat pangungulit ang sikreto ng kapalaran mo. Ito ang mensahe ngayong araw. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-17-21-28-37-44.

GEMINI (May 21-June 20) - Kambal na suwerte ang nakalaan sa iyo. Sabagay, noon pa man, kapag binuwenas ka ay tunay namang may kasunod na isa pang buwenas. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-21-30-35-41-45.


CANCER (June 21-July 22) - Itabi mo muna ang damdamin dahil ang kondisyon na inilatag ng langit ay nagsasabing kapag hindi ka naging emosyunal, ang malalaking kapalaran ay magsisidapo sa buhay mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-10-15-28-35-46.

LEO (July 23-Aug. 22) - Muling nananalo ang nanalo na dahil ibig sabihin, dumating na ang suwerte niya. Mananalo ka at muli pang mananalo dahil ikaw ay masuwerte sa kasalukuyan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-14-23-25-30-41.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Lakasan mo ang iyong loob. Maraming nasayang na pagkakataon sa buhay mo dahil hindi malakas ang iyong loob. Hindi na ito dapat maulit pa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-11-17-28-33-42.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mamahinga ka dahil ito ang kailangan mo. Pagkatapos mong mamahinga, ang magagandang bagay at kapalaran ay magsisidatingan sa buhay mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-9-21-23-34-41-45.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nang magsabog ng mga suwerte ang langit, hindi ka nakasama. Pero ngayon, nagpasya na ang langit na ang pintuan ng mga grasya ay itatapat kung nasaan ka. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-19-21-27-28-39.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Marami ang inggit sa iyo at mas dadami pa sila dahil ang magagandang kapalaran ay para bang ikaw na lang ang hinahanap. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-18-21-24-29-34.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kung sino ang may ganda, siya mismo ang bubuwenasin. Dahil ang magandang kapalaran ay para rin sa magaganda, lalo na sa tulad mong may napakagandang personalidad. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-16-24-28-39-45.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Tumaya ka. Hindi maganda kung hindi ka makikipagsapalaran. Dahil noon pa man, kapag binalikan mo ang iyong mga nakaraan, ang buhay mo ay batbat ng pakikipagsapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-18-22-31-41-45.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Sino ang hindi naniwala at sino rin ang nag-aalinlangan, pero nakakagulat na siya pa ang binuwenas? Sino pa nga ba? Walang iba kundi ikaw. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-11-19-22-31-34.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page