top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Horoscope | Abril 5, 2022 (Martes)

BULGAR
Apr 5, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Abril 5, 2022


Sa may kaarawan ngayong Abril 5, 2022 (Martes): Mabilis ang iyong pagyaman kung gugustuhin mo. Pero kung malilibang ka sa maraming bagay, malabo pa na ikaw ay ganap na umunlad.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Tuloy-tuloy ang magagandang oportunidad na inilantad ng langit para sa lalo pang pag-abante ng buhay mo. Huwag mo itong palagpasin nang hindi ka manghinayang. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-19-20-24-33-42.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mag-isip ka ng pagkakakitaan bilang karagdagan sa kasalukuyan. Marami pang mabubuo sa iyong isipan, kaya hindi ka mauubusan ng pagkakataong sumagad ang iyong yaman. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-18-21-24-37-45.

GEMINI (May 21-June 20) - Muling dumating ang nakakatuwang pangyayari sa buhay mo na ang araw ay para sa iyo at ang mga parating ay iyong-iyo pa rin. Palagi kang magpasalamat sa nasa itaas. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-14-22-37-39-45.


CANCER (June 21-July 22) - Matatangay ka ng makukulit at mapagpilit. Para makaiwas, lumayo ka muna sa mga nangungulit at namimilit. Ito ang magsisilbing gabay ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-11-20-25-32-45.


LEO (July 23-Aug. 22) - Patuloy ang pagpapakita ng ganda ng mga bulalakaw sa langit at ito ay maiiugnay sa kapalaran mo ngayon na nagsasabing, patuloy ding nagkikislapan ang mga kaganapan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-10-11-17-29-30.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Gamitin mong gabay sa iyong buhay ang noon pa naglalabas-pasok sa iyong isipan, na ang kaligayahan ay wala sa yaman kundi nasa wagas na pagmamahalan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-18-29-35-36-39.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kikilos ka na kitang-kita ang saya at sigla. Ito ay mangyayari sa iyo kahit may ilang bagay na ikinalulungkot mo kung saan hindi mo nakuha ang gustong-gusto mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-9-14-15-28-33.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hanapin mo ang bagay na magbibigay sa iyo ng ligaya. Huwag kang umasa na ito ay makikita mo sa paghihintay. Dahil marami na ang nabigo sa kahihintay na ayaw kumilos. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-9-15-25-31-39-42.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kunin mo ang para sa iyo kahit sinasabi mong hindi mo ito kailangan. Mauunawaan mo rin na kaya ka bibigyan ng kapalaran ng mas marami ngayon ay upang magamit mo sa ibang panahon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-13-14-29-30-31.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Patatatagin ka ng langit. Makakaranas ka ng mga pagsubok na magpapalakas sa iyong pagkatao bilang paghahanda sa malalaking suwerteng darating sa iyo na malapit mo nang makamit. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-28-30-32-35-37.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang maniwala na walang mangyayaring maganda sa buhay mo ‘pag nawala ang isang tao. Hindi niya alam, ‘pag wala na siya, magdadagsaan ang maraming suwerteng hindi mo inaasahang darating sa buhay mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-11-25-29-30-33.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ngayon at hindi sa ibang araw. Itodo mo ang iyong kaya at itotodo rin ng langit ang kanyang gantimpala sa mga desidido at seryosong yumaman nang todo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-11-14-21-24-39.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page