top of page

Horoscope | Abril 30, 2026 (Huwebes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 6 days ago
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | April 30, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Abril 30, 2026 (Huwebes): Kahit na patuloy ang pagtaas ng iyong estado sa buhay, panatilihin mo pa rin ang pagpapakumbaba. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Nakabantay sa iyo ang mata ng langit. Sinumang magtangkang siraan ka ay mabibigo at mapapahamak lang. At kung hindi sila titigil, makakaani sila ng sobrang pangit na kapalaran. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-9-12-20-29-36-42.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Umuusok sa galit ang iyong kaaway, gayunman, wala siyang ibang magagawa kundi ang mapahiya. Ikaw rin ay umuusok, pero hindi sa galit, kundi sa lihim na pagtawa sa mga nangyayari. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-17-21-31-35-40.


GEMINI (May 21-June 20) - Dagdagan mo pa ang bilis mo. Anumang kabagalan ay magpapabagal din sa iyong pag-unlad. Muli, dagdagan mo pa ang bilis mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-11-23-34-38-44.


CANCER (June 21-July 22) - Hinahangaan ng langit ang iyong kabaitan. Ito rin ang lihim na dahilan kung bakit hindi maubus-ubos at hindi matapus-tapos ang pagdating sa iyo ng mga biyaya at pagpapala. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-10-22-26-33-41.


LEO (July 23-Aug. 22) - Kahit wala kang gawin, aangat pa rin ang iyong buhay. Pero kung magsusumikap ka, isa lang ang magiging resulta, maiiwanan mo ang mga kakumpetensya mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-13-27-36-39-45.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi ka bibiguin ng lihim na humahanga sa iyo. Nagsabi siya sa kanyang sarili na anumang ang iyong kailangan, gagawan niya ng paraan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-14-19-25-37-44.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Anuman ang iyong maranasan, tanggapin mo nang maluwag sa loob. Ang mga ito ay kailangang maganap upang mabigyang-daan ang iyong magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-11-18-31-38-40.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Labanan mo! Huwag kang pumayag na talunin ka ng kalungkutan. Mahirap man paniwalaan, ang kalungkutan ang isa sa mga dahilan kung bakit nagkakasakit ang isang tao. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-15-16-24-34-39.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Iyung-iyo ang araw na ito. Ngayon mo hilingin ang malalaki at maliliit na kahilingan sa langit. Mahirap mang mangyari, gagawan pa rin ito ng paraan ng langit. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-9-13-20-25-42.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Itugma mo ang mga kilos mo sa gusto mong matapos. Ibig sabihin, huwag mong hayaang maiba at mabago ang iyong prayoridad. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-16-19-21-33-45.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kung ano ang gusto mong gawin, gawin mo. Huwag mong intindihin ang mga taong kung anu-ano ang sinasabi. Ikaw lang, at wala nang iba, ang may karapatan sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-15-20-24-39-43.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Dumikit ka sa mga masisipag para sipagin ka rin. Sa ganitong payo, dapat alam mo kung sino ang mga lalayuan mo. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-7-19-23-28-30-38.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page