Horoscope | Abril 30, 2022 (Sabado)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Abril 30, 2022
Sa may kaarawan ngayong Abril 30, 2022 (Sabado): Taas-baba ang galaw ng kapalaran mo, pero sa huli, tataas din ang destinasyon mo at hindi ka na bababa pa kahit kailan. Ito ang mensahe ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Magtiwala ka sa sarili mong kakayahan kahit may pagkakataong may mas angat sa iyo. Huwag mong kakalimutan na tiwala sa sarili ang sikrero ng tagumpay at kaligayahan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-18-20-23-39-40-43.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kung ano ang galaw ng karamihan, dapat ganundin ang iyong galaw. Pero kapag may nasilip kang oportunidad na puwede mong sunggaban, ‘wag kang mag-alinlangang mag-iba ng galaw. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-18-28-31-34-45.
GEMINI (May 21-June 20) - Ikaw mismo ang mag-isip kung ano ang makakabuti para sa iyo. Bakit mo iaasa sa iba ang pagdedesisyon? Muli, kung ano ang makakabuti, ikaw na ang mag-isip para sa iyo. Masuwerteng kulay-gray. Tips sa lotto-5-11-13-21-24-37.
CANCER (June 21-July 22) - Pahinga at pagkatapos nito, dapat ay trabaho. Hindi puwede ang magtrabaho lang nang magtrabaho kahit walang pahinga. Kapag walang pahinga, hihina ang katawan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-19-21-28-39-40-46.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kahit walang buwan sa langit, ang mga bituin ay nagnininging. Kahit nag-iisa ka, ang iyong kislap ay magpapatuloy kung kailan titingalain ka. Ito ang mensahe para ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-4-14-25-39-42-43.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi mahalaga ang nakaraan kung babalikan mo lang para malungkot ka ngayon. Puwede mong balikan ang nakaraan kung pupulutin mo ru’n ang mahahalagang aral sa buhay. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-15-18-29-31-36-43.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kapag sobra, dapat magbawas. Kapag kulang, dapat magdagdag. Pag-aralan mo ngayon ang buhay mo. Ngayon ang panahon para makita mong mabuti kung ano ang dapat gawin. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-18-20-27-34-37-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Lumalakas ang mahina at ang mahina ay lumalakas. Lalakas ka ngayon, pero kailangang tanggapin mo muna na ikaw ay mahina. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-16-17-26-27-35-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang mabuhay sa walang katapusang pag-aalala at pangamba dahil puwede kang masingitan ng kaduwagan at tuluyang mawala ang tiwala mo sa iyong sarili. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-12-20-29-30-33-38.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Magdaratingan ang magagandang bagay sa iyong kapalaran. Salubungin mo ito nang may galak at ngiti sa iyong mga labi. Iwasan mong magsungit at huwag masyadong mahiyain. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-10-11-14-16-23-35.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi maganda ang sobrang palakaibigan dahil dumarami ang nagkakagusto sa iyo at sa huli, ikaw ay malilito. Mas mabuting piliin lang ang mga palalapitin mo sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-16-29-30-35-37-42.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Yumuko ka. Hindi masama ang yumuko, lalo na kung ang pagyuko ay pagkilala sa mas magaling sa iyo. Gayundin, hindi masama kung yuyuko ka sa naninidigan sa tama. Masuwerteng kulay-crystal green. Tips sa lotto-6-11-14-25-28-33.




Comments