top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Horoscope | Abril 28, 2022 (Huwebes)

BULGAR
Apr 28, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Abril 28, 2022


Sa may kaarawan ngayong Abril 28, 2022 (Huwebes): Hindi ka mauubusan ng suwerte. Palaging may nag-aabang na magagandang kapalaran sa landas ng buhay na iyong tinatahak.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kung saan masaya, roon ka. Kaya maging masaya ka at makikita mo na maglalapitan sa iyo ang magagandang bagay. Sundin mo at ang mga pagsubok sa iyong buhay ay madali mo nang malalagpasan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-18-20-24-30-37-42.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nagdaratingan na sa buhay mo ang nagkikislapang mga kaganapan. Nakakagulat at maaaring hindi kapani-paniwala na ang mga kislap ay kislap ng saya at sarap ng buhay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-11-17-24-27-39.


GEMINI (May 21-June 20) - Tulad ng artistang hinahangaan, ikaw ay nakatakdang sumikat. Kasabay ng iyong pagsikat, sunod-sunod at maraming suwerte ang magdaratingan sa iyong harapan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-14-16-28-33-36.

CANCER (June 21-July 22) - Susundan ka ng mga suwerte kahit saan ka pumunta. Hihintayin nito na makasingit sa iyo ang positibong pananaw at saka sila biglang dadapo sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-10-13-21-24-27.

LEO (July 23-Aug. 22) - Hawak mo ang iyong kapalaran. Kung ano ang gusto mo, ‘yun ang mangyayari. Kung wala kang gusto, wala ring mangyayari sa buhay mo. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-17-29-20-25-39-41.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Samantalahin mo ang araw na ito kung kailan mabilis, madali at walang gaanong hirap na maisasagawa ang iyong mga plano. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-dark green. Tips sa lotto-3-18-22-24-26-34.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Biglaan na parang kisap-mata, matatagpuan mo ang iyong sarili na yakap-yakap ang iyong matagal nang pinapangarap. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-15-16-24-25-31-35.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Gumaganda ang takbo ng iyong kapalaran. Panatilihin mo ang positibong pananaw. Ang payo para sa iyo ay harapin mo ang mundo nang masaya at may pusong maunawain at mapagpatawad. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-11-18-21-28-42.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hanapin mo ang daan ng pakikipagkasundo. Bumabagal ang takbo ng magandang kapalaran kapag ang piniling daan ay ang pakikipagmatigasan at saradong isipan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-14-19-20-29-36-37.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Tumulong ka nang bukal sa iyong kalooban at may malinis na puso. Ang tumutulong na masaya ay mas pinagpapala kaysa sa tumutulong nang may hinihintay na kapalit. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-16-22-28-40-41-46.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mong pansinin ang mga naririnig mong paninira. Tulad ng dati, ang nanira sa iyo ang mapapahamak. Ang maghahangad ng masama sa iyo ay aani ng masamang kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-12-21-26-27-31-38.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung ano ang bagay, ‘yun ang dapat mong isuot. Kaya bakit ka pipili ng hindi naman bagay sa iyo? Rito sa mundo, ang hindi bagay ay mauuwi sa pagkasira at paghihiwalay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-19-27-31-33-37-43.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page